Buwelta ni Ruffa Gutierrez kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz ‘’Wag nilang palabasing naghahabol ako!’

ADVERTISING

Buwelta ni Ruffa Gutierrez kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz ‘’Wag nilang palabasing naghahabol ako!’

Buwelta ni Ruffa Gutierrez kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz ‘’Wag nilang palabasing naghahabol ako!’ SINO NGA BA talaga ang nagsa-sabi ng totoo, si Shaina Magdayao o si Ruffa Gutierrez. Magkasalungat kasi ang pahayag nila tungkol sa maintriga na namang usapin sa kanilang tatlo ni John Lloyd Cruz.

Kini-claim ni Shaina na si Ruffa ang unang nag-text kay John Lloyd na hindi niya nagustuhan kaya nagawang mag-text back ng hindi kagandahang mga mensahe gamit ang cellphone ni Lloydie. Pero mariin itong itinatanggi ng isa sa mga host ng Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparrazi.

“Sa pagkakaalam ko, hindi ako ang unang nag-text,” mariing sabi ni Ruffa nang makausap namin. “If they say na ako ang unang nag-text, prove it. Hindi ako nakikipag-away. I already said… I wish them well. I’m very happy with my life. Huwag nilang palabasin na naghahabol ako.

“Kasi napakahaba ng hair ko. Hanggang talampakan ko. Walang nang-aagaw. Kanilang-kanila na. May sarili akong Batman sa buhay ko.”

ADVERTISING

Sino nga si Batman sa buhay niya? “Basta! Hindi siya Pinoy. Kaya walang dapat alalahanin ‘yong ibang Pinay.”

Pero how does it feel na ‘yong beauty niya, lagi na lang parang threat sa ibang babae? Na tila nga may ibang hindi mapigil ang sarili na ma-insecure sa kanya at pagselosan pa rin siya?

“Wala na akong magagawa no’n,” natawang sabi ni Ruffa. “Ako… you know for me… I’m such a peace-loving person. I mean, hindi ako nakikipag-away. You know… huwag lang akong labanan. Kasi, hindi rin ako uurong sa ‘yo. But sometimes, it’s best to choose your battles.”

Ilantad na kasi niya in public si Batman para wala nang nagsiselos o nati-threaten. “Hindi pa ako annulled!  Hindi pa puwede. Mas naging open lang ako ngayon… lately, na may Batman ako sa buhay ko dahil sa mga nangyayaring gulo!  Ha-ha-ha! At naloloka ako. Hindi siya nakakahaba ng hair! Basta meron akong inspiration ngayon.”

Hindi imaginary ‘yong Batman o inspiration niyang sinasabi para lang makaiwas na pagselosan ng sinuman?

“Hindi siya imaginary. Totoo siya. Follow me na lang on Twitter para malalaman ninyo kung sino si Batman.”

Ganyan?

Buwelta ni Ruffa Gutierrez kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz ‘’Wag nilang palabasing naghahabol ako!’

ANG DAMING MGA galos at pasa ni Ritz Azul. Meron pa siyang sugat sa kaliwang tuhod. Nakuha raw niya ito sa mga nakaraang taping days ng Glamorosa, bagong serye ng TV5, kung saan tampok din sina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

“Siguro dahil sa kagustuhan kong mapagbuti nang husto ang acting ko kaya may mga scene na totohanan na ngang nasasaktan na ako,” aniya nang makakuwentuhan namin matapos siyang mag-guest sa Paparazzi last Sunday. “Masaya ako na binigyan ako ng ganitong role na sobrang kakaiba at challenging talaga.”

Maputi at flawless pa naman ang kanyang kutis. Masisira nang gano’n na lang?

“Maaayos pa naman po siguro,” natawang sagot ng dalaga. “Konting sugat, mga pasa, at galos lang naman. Siguro konting cream, okey na. Ha-ha! ‘Yong sugat ko sa tuhod? Nakuha ko ito sa scene with Tito Noni Buencamino and Ms. Lotlot de Leon. Habang binubugbog nila ako sa eksena, parang nadapa ako. Kaya nagkasugat ang tuhod ko.”

Isa siya sa mga baguhang artista sa ngayon na may pinakamagandang mukha. Tiyak na marami ang umaaligid sa kanya.  Kumusta ang lovelife niya?

“Wala po. Wala rin pong nanliligaw o nagpaparamdam. Ewan ko nga po kung bakit wala, e! Ha-ha-ha!

“NBSB (no boyfriend since birth) po ako. Tinatanong nga rin po ako ng parents ko… bakit walang nanliligaw sa ‘yo? Sabi ko naman… e sa wala pa po, e. At saka ayoko pa.”

Sa Glamorosa, sina Martin Escudero at Victor Silayan ang leadingmen niya. Sino sa dalawa ang mas may dating sa paningin niya?

“Parehas naman silang may dating, e. Magkaiba lang. Si Victor, may dating ‘yong pangangatawan niya. Na… grabe!  Lalakeng-lalake, ‘di ba?

“Si Mart naman, ‘yong ugali niya ang gusto ko. Tahimik. Na minsan palabiro. ‘Yong gano’n kasi ang gusto ko sa lalaki.”

Kadalasan sa mga artistang nagkakapareha sa trabaho, kalaunan ay nadi-develop o nagkakagustuhan. Paano kung halimbawa, sa katagalan ng taping nila ay dumating ang panahong magparamdam sa kanya sina Martin at Victor?

“Ewan ko lang,” nangiting sabi ni Ritz. “Siguro… hindi muna. Work muna ako ngayon. Career muna. Siyempre kasi bata pa ako ngayon. I’m just 17. So more on career muna ‘yong focus ko. At saka marami po akong balak gawin sa buhay ko.  Ang feeling ko, kapag nagkaroon ako ng boyfriend, parang mahahati na ‘yong atensiyon ko.”

‘Yun na!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING