Butch Francisco, nakaiirita ang pagtatanggol kay Rosanna Roces!

ADVERTISING

Butch Francisco, nakaiirita ang pagtatanggol kay Rosanna Roces!

Butch Francisco, nakaiirita ang pagtatanggol kay Rosanna Roces!ANG DAMI palang naloka du’n sa talakan namin ni Butch Francisco sa Startalk dahil kumampi pa ito kay Rosanna Roces nang pinasagot ako sa mga patutsada ng laos na bold star na ‘yan kay Sen. Bong Revilla.

ADVERTISING

Sa totoo lang, ayaw na ni Bong na patulan ko pa ‘yan. Pero ginawa ng Startalk ang story na ‘yan, kaya nagsalita na ako.

Aba eh, ipinagtanggol pa niya si Rosanna na malaki raw ang utang na loob niya sa bold star na ‘yan. May utang na loob daw ang Startalk kay Rosanna kaya nakahihiya naman daw na alipustain ko siya nang husto.

Nairita na ako, ‘day! Ano naman ang kinalaman ng utang na loob niya at utang na loob ng Startalk sa isyu na ‘yan?

ADVERTISING

Isyu ‘yun ng babaeng ‘yan kay Bong, at ipinagtanggol ko lang siyempre ang alaga ko!

Naku, ‘day! Akala n’yo nagtalakan lang kami para sa show? Hindi, ‘day! Nairita talaga ko sa kanya.

Buti nga, sinabi ni Ai-Ai delas Alas na hindi niya friend ang babaeng ‘yun nang sinabihan kong bakit hindi niya pautangin si Rosanna para may pambayad ito sa GMA-7.

Naku! Subukan n’ya uli na magsalita pa ng pagtatanggol sa babaeng ‘yan. Baka may masabi pa ako na ‘di niya magustuhan at baka isumpa na niya ako forever!

Kaya sabi ko nga, itong si Rosanna dapat na manahimik na lang kasi. Huwag na siyang magsalita. Bakit hindi na lang siya bumalik sa pinanggalingan niyang bar at baka kumita pa siya du’n uli.

Diyos ko! Ultimo terminal fee raw nu’ng umalis ito pa-Bacolod nang mag-shooting siya ng indie film hindi raw niya mabayaran. Humiram pa raw sa security guard? Ewan ko lang kung totoo ‘yun, ha? Pero ‘yun nag narinig ko na ikinaloka rin ng mga taga-Startalk.

Kaya manahimik na lang siya, ‘no!

 

AYOKO NANG mag-emote, ‘day! Maraming magagandang bagay na dapat n’yong abangan sa GMA-7.

Ngayong araw ay magsisimula na ang Prinsesa ng Buhay Ko nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na bagong kakikiligan na naman ng mga fans nila.

Kahit alam naman ng lahat na may Kylie Padilla at meron ding Carl Guevarra si Kris, meron pa rin silang kilig factor na gustong subaybayan ng mga fans nila kaya malamang hit na naman ito.

Mapapanood ‘yan bago mag-24 Oras.

Pagkatapos naman ng 24 Oras, magsisimula na rin ang bagong drama series na ipinalit sa Anna Karenina.

Ito ‘yung pagtatambal nina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose sa Kahit Nasaan Ka Man.

Parang may pagka-musical ito na kakaibang drama na siguro matataypan din ng mga manonood.

Dito mapatutunayan kung may magic din ba ang bagong loveteam na ito, at kung tapos na ba ang JuliElmo tandem dahil, kay Janine Gutierrez naman ipa-partner si Elmo Magalona sa Villa Quintana.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING