Butch Francisco, na-miss ang backstage tsikahan sa showbiz talk show

Butch Francisco, na-miss ang backstage tsikahan sa showbiz talk show

Butch Francisco
Butch Francisco

Heartwarming Mood at a house warming.

Ito ang lumukob kay Butch Francisco nang magtipun-tipon sila muli ng mga dating host ng “Startalk” sa okasyon organized recently by Mother Ricky Reyes. Naging reunion of sorts ang bale joint birthday celebration ng dalawang tanyag na Ricky sa industriya (Reyes on April 12, Lo on April 21) na isinabay na rin sa blessing ng bagong bahay ng una sa Pasig City.

Nanumbalik tuloy sa alaala ni Butch Francisco ang mga backstage tsikahan nila sa Startalk, never a dull moment in a huddle even over some cheap showbiz topic.

Samantala, extended nang isang Sabado (originally to bow out of air this May 7) ang “CelebriTV”, ang programa that has only retained the hosting services of ‘Nay Lolit and Tito Ricky (minus Tito Butch).  Naantala kasi ang pagsasagawa ng set sa ipapalit na show to be hosted by Betong and Sheena Halili.

Nagtataka lang kami kung bakit 14 episodes lang ang itatagal nu’n, alanganing sobra sa isang season na 13 weeks. But one thing’s most certain, mismong ang pamunuan na ng GMA ang nagdeklarang it doesn’t have any plans—immediate or otherwise—na muling buhayin ang showbiz talk show genre.

Blame it on the social media.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III