Buo ang tiwala kay John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban: Sobrang Assured, Sobrang Secured!

ADVERTISING

<i>Buo ang tiwala kay John Lloyd Cruz</i><br>Angelica Panganiban: Sobrang Assured, Sobrang Secured!

<i>Buo ang tiwala kay John Lloyd Cruz</i><br>Angelica Panganiban: Sobrang Assured, Sobrang Secured!MATAPANG NA sinasangga ni Angelica Panganiban ang bawat pukol ng intriga sa kanya. Siguro ay immune na siya sa kabi-kabilang intrigang ibinato at patuloy na ibinabato sa kanya kaya naman she has become fearless sa kanyang mga binibitiwang pahayag lalo na pagdating sa kanyang lovelife.

Ilang bagyo na rin ang sumubok sa tibay ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz but until now everything looks perfect sa kanilang samahan. He described their relationship as “beyond happiness” during his guesting on The Buzz. Ang tamis kasi ng kanilang pagmamahalan kaya naman lagi silang pinuputakti ng mga intriga. Their plea for some privacy fell on deaf ears.

The couple is now back on the spotlight because Lloydy has a new movie titled It Takes a Man and a Woman opposite Sarah Geronimo. Hindi maitatanggi na malakas talaga ang hatak ng kanilang loveteam kaya patok sa takilya ang kani-lang mga naunang pelikula na A Very Special Love at You Changed My Life. <i>Buo ang tiwala kay John Lloyd Cruz</i><br>Angelica Panganiban: Sobrang Assured, Sobrang Secured!

Nilinaw ni Angelica na wala sa kanyang bokabularyo ang salitang selos pagdating kina Lloydy at Sarah. “Naku, hindi! Pumila ako sa sa sinehan sa dalawang pelikula nila. First day talaga. Fan na fan ako nina Laida at Miggy.”

ADVERTISING

Nalulungkot si Angelica dahil sa patuloy na pang-iintriga sa kanilang relasyon ni Lloydy especially when it comes to girls. She puts her complete trust on Lloydy. “Sobra akong assured. Sobra akong secured. ‘Di namin ito dapat pag-usapan. Hindi ko siya dapat tanungin baka pag tinanong ko, ako mismo matawa. Hindi ko siya kilala ng ganoon.”

Dagdag pa niya, “Bestfriends kami. Para kaming partners sa lahat ng bagay. Iyon ang maganda siguro sa aming dalawa. Wala kaming dapat itago sa isa’t isa. Lahat p’wede naming pag-usapan kaya lahat ng nagsasabing parang wala na kami or parang nagkakagulo kami, meron siyang babae or may iba akong lalaki, sabihin ninyo na ang gusto ninyong sabihin kasi I don’t think na masisira kami. Masyadong matibay iyong samahan namin para sirain ng mga ganoon.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING