Bumalik na raw ang golden voice Nora Aunor, pinagbawalang tumungga ng alak at mag-yosi!

KAHIT HINDI na bago ang takbo ng istorya ng teleseryeng Dahil sa Pag-ibig nina Jericho Rosales, Cristine Reyes, Piolo Pascual at Christopher de Leon, patok pa rin ito sa masang Pinoy. Nang mapanood namin ang complete trailer nito sa TV, ang lakas ng dating ni Echo compared kay Piolo na siyang kumanta ng theme song. Mas challenging ang role na ginagampanan ng actor/singer. Sa ilang eksena nilang dalawa, mas magaling umarte si Jericho. Si Piolo, parang wala lang, ganu’n pa rin ang acting ng binata tulad ng past teleserye niya at pelikula.

Hindi namin kinakitaan ng galing sa pag-arte si PJ. Well, nag-uumpisa palang ang nasabing soap baka sa mga susunod na episode ng ex-boyfriend ni KC Concepcion, magpakita ito ng naiibang acting ability. As always, napaka-powerful ng role na ginagampanan ni Ronaldo Valdez same with Boyet and Sandy Andolong bilang mag-asawa.

Nang minsan interbyuhin ni Boy Abunda si Christopher para sa promo ng kanilang TV show. Tinanong ng TV host kung sino sa mga ‘young actor ang puwedeng maging isang Boyet de Leon. Walang kagatul-gatol na sinabi nitong si Gerald Anderson. Kinakitaan raw niya ito ng husay sa pag-arte. Parang naalala niya noong time na nagsisimula pa lang siya bilang artista. Marami ang nagulat sa naging sagot ni Boyet. Ini-expect kasi ng manonood pati na rin ang buong production staff at cast ng bago niyang serye na si Piolo ang babanggitin ng aktor. Bigo sila, nagsasabi lang ito ng totoo kaya’t paano maipapakita o mapapatunayan ni PJ na deserving siyang maging isang tunay na aktor sa paningin ni Christopher de Leon?

NANDITO NA nga sa ‘Pinas si Nora Aunor matapos nitong mawala ng ilang buwan para magtungo sa Boston, Massachussetts, USA para sa kanyang vocal chord operation. Ayon sa balita, naging successful ang trip ng Superstar sa ibang bansa kahit hindi ito sumailalim sa operasyon. Nag-improve na raw ang boses nito. May pinasok lang na aparato na parang camera sa loob ng lalamunan.

Pinatotohanan ng malalapit na kaibigan ni Ate Guy na nagbalik na raw ang golden voice ng nag-iisang Superstar. Ikinatuwa ng kanyang mga anak na sina Matet, Lotlot de leon, Kiko at Matet ang tsikang ito. Kailangan lang ng pahinga at huwag magpupuyat. Huwag ring iinom ng malamig na tubig at itigil daw ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Malaking perhuwisyo kay Ate Guy noong time na sumailalim siya sa cosmetic procedure na ginawa sa Japan, 2010 through recommendation ni Aster Amoyo. Sa ngayon, inihahanda na ang bago niyang soap sa Singko at may pelikula rin siyang gagawin sa Regal Films at Viva Films. Hindi pa nga gaanong nakaka-recover ang Superstar, dagsa na agad ang offer na mag-concert siya sa Araneta.

‘Yan si Ms. Nora Aunor, kahit kabila’t kanan ang intrigang ibinabato sa kanya, mananatiling Superstar sa puso ng kanyang mga fans at sa movie industry.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleJobert Sucaldito, nahimasmasan na sa kagagahan!
Next articleGrace Lee, pinagbawalan nang magsalita ng tungkol kay P-Noy!

No posts to display