Bumalik ang dating ganda: Aktres, wala nang balak makipagbalikan sa asawang aktor!

BLIND ITEM: Mukhang wala nang balak si Actress na makipagbalikan sa asawa nitong Aktor. Parang nae-enjoy na raw kasi ni Aktres ‘yung maraming kaibigang nagsasabi sa kanya na kung kelan siya nakipaghiwalay ay doon bumalik ang dati niyang ganda.

“Eh, kasi nga, nabawasan na ang stress niya sa kaiisip kung nasaan na naman ang asawa niya o me ka-echosan na namang ibang babae,” sey ng friend ng Aktres.

“Napagod na rin siya, Mama O. Babae ang pinag-awayan nila, inisplitan niya. Pero ‘eto, me babae na naman daw bago. So balik ulit ang lalaki, kaya ang kaibigan ko, napagod na. Kaya hinahayaan na lang niya.”

Nakikipag-date na ba sa iba ang Aktres?

“Ay, hindi. Kahit p’wede naman, ‘di ba? Kaso, ayaw niyang ipamukha sa mga anak nila ng Aktor na ang ginawa ng tatay n’yo ay kaya ko ring gawin. Ayaw niya ng gano’n. Basta siya, ine-enjoy na niya ang buhay.

“Pina-pamper niya ang sarili niya. Ibinabalik niya sa dati ang ganda niya, at ang importante, meron siyang peace of mind kahit separated siya ngayon sa mister niya.”

Naiintindihan ba ng mga anak nila?

“In fairness, ‘pag nag-uusap sila, tungkol na lang sa mga anak nila, hindi na tungkol sa pag-aayos ng problema nila, dahil sumuko na nga si Aktres, ‘di ba? Ayaw na niya at gusto niyang bigyan ng panahon ang sarili niya, dahil for a time, nakalimutan niya ang sarili niya at pumokus siya nang husto sa family niya.

“‘Yung mga bata, okay naman sila. Ang importante, ‘pag gustong makita ng lalaki ang mga anak, anytime naman. Kaya pansinin mo, ang ganda-ganda niya sa teleserye ngayon?”

Sana naman, isa sa mga araw na ito ay magkaayos na sila at bumalik sa dating samahan ang kanilang pamilya.

By Ogie Diaz

Previous articleTeleserye ng Mahusay na Actress, Nanganib Matigbak
Next articleMark Bautista, naka-recover na raw sa break-up nila ng non-showbiz girlfriend

No posts to display