Bulakan Mayor Patrick Meneses at Pandi Mayor Enrico Roque, matindi ang bromance

Bulakan Mayor Patrick Meneses at Pandi Mayor Enrico Roque, matindi ang bromance

Enrico-Roque-Patrick-MenesesMARAMI ANG naloka sa naging pahayag ni Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan nang umakyat siya sa stage sa event na in-organize ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan na Voice of Pandi na ginanap last Thursday evening.

Ayon sa nagkuwento sa amin, naging very cheesy si Patrick sa pagsasabi niya na kahit iniintriga sila ni Mayor Enrico Roque ay mahal pa rin niya ito. “Mahal ko po ang mayor ninyo kahit na iniintriga kaming dalawa,” words to that effect na pahayag daw nito na pinalakpakan siyempre ng mga taga-Pandi.

Para sa marurumi ang isip, iba ang pakahulugan nila sa tinuran ni Patrick. Pero para sa ibang mga nakakikilala sa dalawa, tanda lang daw ‘yon ng matindi nilang “bromance”.

Si Patrick ang tatay ng anak ni Ara Mina na si Gabrielle Amanda o Mandy for short. Si Enrico naman ay nananatili ‘atang single hanggang ngayon.

La Boka
by Leo Bukas