BULAGA! Maja Salvador bagong Dabarkads sa Eat Bulaga!

NABULAGA ang mga loyal viewers ng longest running noontime show na Eat Bulaga sa Kapuso Network nang biglang ipakilala ang Dance Floor Princess na si Maja Salvador bilang bagong Dabarkads!!

Yes, the only Maja Salvador – the Wildflower, multitalented actress is now a certified Dabarkads!

Nakumpirma ito sa pag-indak mismo ni Maja sa Eat Bulaga stage.

BULAGA! Maja Salvador bagong Dabarkads sa Eat Bulaga!
Maja Salvador in Eat Bulaga

“Salamat at part na ako ng Dabarkads,” masayang pahayag ni Maja, na childhood dream pala ang mapasali sa programa na nagbibigay ng aliw sa henerasyon ng mga Pilipino.

Nakakaaliw lang na ang theme song ng Eat Bulaga ay may starting line na ‘Mula Aparri..’ dahil mismong si Maja ay taga-Aparri, Cagayan!

“Sa mga hindi nakaka-alam, laking Aparri talaga ako. Noong ipinanganak ako, after ilang buwan, inuwi ako sa Aparri ng nanay ko. Tapos doon namulat ang aking mga mata sa Eat Bulaga,” kuwento ni Maja.

“Ang sarap sa pakiramdam kapag ‘yung umpisang kanta ng Eat Bulaga, ‘mula Aparri …’ Siyempre proud na taga-Aparri,”

Inamin din ni Maja na big fan siya ng Street Boys noon, na mainstays ng Eat Bulaga noong 90’s. Katulad din ng ilang batang babae, nangarap din siyang sumali sa Little Miss Philippines, pero dahil sa sobrang layo ng Aparri sa Maynila ay hindi natupad ang kanyang pangarap.

Well… mas bongga na ngayon dahil certified Dabarkads na siya!

Nasakto rin na birthday pala ng kanyang mommy at pa-birthday nitya rito ang kanyang pagsali sa Eat Bulaga.

“Ito na ‘yung regalo ko sa’yo ha. Sabi niya kasi, ‘nami-miss na kita makitang sumayaw.’ Ang tagal na rin kasi kuya (Ryan) so sabi ko, ‘ma, kinukuha ako ng Eat Bulaga. ‘Di ba nanonood lang tayo? Tapos ngayon magiging parte na ako ng Dabarkads,” sambit pa ni Maja.

Blocktimer sa GMA ang Eat Bulaga, kaya hindi ibig sabihin na mapapanood na si Maja sa programa ay certified Kapuso na siya. Who knows, ‘diba? Baka konting kembot na lang ay makakasama na rin niya ang kaibigang sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Siyete, ‘diba? Sige, IKEMBOT!