Bulacan Mayor Patrick Meneses filed libel charges against ex-girlfriend Aiko Melendez and 3 others

ADVERTISING

Bulacan Mayor Patrick Meneses filed libel charges against ex-girlfriend Aiko Melendez and 3 others

Bulacan Mayor Patrick Meneses filed libel charges against ex-girlfriend Aiko Melendez and 3 othersBA’T ME MGA taong imbes na maging tulay o instrumento ng pagbabati ng dalawang tao eh, haping-happy na nakikitang nagbabangayan ang mga ito?

ADVERTISING

Nakakalungkot, ‘no? Pero ‘yan ang masaklap na katotohanan ng buhay. Kung ang teknolohiya nga, ang bilis ng palit, ba’t hindi puwedeng ang ugali, lalo na kung masama at nakagawian na, ang hindi baguhin?

Imbes na pasulong, paurong ang pagtanda ng ibang tao. Hindi naman po kami santo, pero lalong hindi kami demonyo. Me mga kagagahan din naman kami sa buhay, pero may realization kami.

Nagtataka lang kami, kasi, ang sarap-sarap ng feeling na kaya nagkaayos ang dalawang tao eh, dahil sa ‘yo, ‘di ba?

ADVERTISING

Mahirap bang gawin ‘yon? O, mas madali lang talaga para sa ibang tao ang pag-away-awayin ang mga tao?

Kunsabagay, lahat naman ng salita, may kabaligtaran, eh.

Pero sana, salita lang dapat, hindi ang sitwasyon.

BLIND ITEM: ALIW na aliw kami sa kuwento ng isang artista. Nagpiktoryal kasi sila para sa isang teleserye. So isa-isa ang piktoryal.

Tapos, nu’ng turn na ng bidang babae (na, kung anu-anong expression ng mukha ang ipinagagawa ng photographer)…

“Ok, smile!” smile naman ang aktres.

“Ok, serious this time!” sumeryoso naman ang face ng aktres.

“Ok, this time, show some fierce!”

Nalokah ang photographer. Ang inaasahan niya kasi, punum-puno ng galit ang mukha ni Aktres na mukhang “maliit” ang “apelyido.” Kaso, ‘yung face ng aktres, punumpuno ng takot!

“No, show me some fierce!”

“’Eto na nga,” nagpakita na naman ng mukhang punum-puno ng takot ang aktres.

Lihim na nagtawanan ang ibang kasama sa pictorial, dahil noon lang nila na-realize na iba pala ang pagkakaintindi ng aktres sa “fierce.”

Galit na bakas sa mukha ang gustong makita ng photographer. Ang ginawa ng aktres, nagpakita ng mukhang punumpuno ng “fears.”

NAKAKATAWA ‘TO. WALA sa isip ng aming source na meron palang “something” na nagaganap.

Sa opisina ng Viva Films nu’ng Tuesday ay may meeting si Candy Pangilinan, dahil she is being co-managed na rin by Viva Artist Agency.

‘Eto na nga, pagkatapos ng meeting nito, may nagbanggit kay Candy na nandu’n sa isang function room si Vice Ganda, nagmimiting para sa major concert sa July 1 sa Araneta Coliseum.

‘Eto namang si Candy, na-excite. Nagpunta sa function room. Imbes na magkabaklaan, umalingawngaw ang mga batian, “behaved” daw ang mga pipol.

Pa’no kasi, nag-kagulatan sina Candy at ang ex-boyfriend nitong si Direk GB Sampedro. Deadmahan daw at ‘yung iba na lang ang binati ni Candy.

Hahaha! ‘Yun na.

Ang liit lang talaga ng earth, ‘di ba?

PORMAL NA NGANG nagsampa ng kasong libel si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa Malolos Regional Trial Court kahapon nang hapon laban sa amin, kay Cez Gella, Ronald Rafer at sa ex-girlfriend nitong si Aiko Melendez.

Ganunpaman, mayroon din kaming pagkakataong patunayan na kami ay inosente.

Saan kaya hahantong ang demandahang ito?

Kami ay naniniwalang hindi natutulog ang Diyos.

Buo pa rin ang aming stand: Naaawa kami kay Patrick, dahil hindi kami ang nilapitan niya para mas nagabayan siya nang tama.

Sabi nga namin sa kanya nu’ng tineks namin siya, “After all, ninong pa rin siya ng aming anak.”

Hindi kami “nagsusunog ng tulay” sa mga kinuha naming “pangalawang magulang” ng aming mga anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING