BUKOD SA IPINAGDARASAL naming isang tinitingalang artista na sana ay humaba pa ang buhay, nakarating sa aming kaalaman na ang isang beteranong artista rin ay nasa “ora de peligro” na rin.

BUKOD SA IPINAGDARASAL naming isang tinitingalang artista na sana ay humaba pa ang buhay, nakarating sa aming kaalaman na ang isang beteranong artista rin ay nasa “ora de peligro” na rin.

Juice ko, nu’ng kami’y isa pa lamang field reporter, ‘pag naiinterbyu namin ito, ang lagi naming tanong: “Ano po ang sikreto n’yo at wala po sa hitsura n’yo ang edad n’yo?”

Nalaman namin na ang dami-dami niyang supplements na iniinom para maging alerto at healthy ang kanyang katawan at isip.

Pero kung totoo mang ito ay naka-confine ngayon at nakikipaglaban pa rin sa buhay, sana nga ay madugtungan pa ang kanyang buhay dahil napakahusay nitong aktor at ni hindi naintriga, dahil maayos ang palakad sa sariling buhay.

Samahan n’yo kaming ipagdasal ang dalawang beteranong aktor na in fairness, napakalaki ng nai-contribute sa movie industry.

(Ogie Diaz)

Previous articleNALAMAN NAMING NAKA-CONFINE ngayon sa isang exclusive hospital sa Pasig ang beteranong aktor. At sa naturang ospital din pala naka-confine ang isang aktres.
Next articleNAPAKASAMA talaga ng ugali ng dalawang nega star mula sa isang big TV network. Biruin ba namang one day before the storycon at pictorial ng isang afternoon drama na dapat ay pagsasamahan nila ng isa pang young actor, pinatanggal nila ang huli sa nasabing show.

No posts to display