Bukod kina Vic Sotto at Michael V.
Sef Cadayona, makakatrabaho rin si Manny Pacquiao

ADVERTISING

<i>Bukod kina Vic Sotto at Michael V.</i><br>Sef Cadayona, makakatrabaho rin si Manny Pacquiao

Sef-CadayonaAFTER MANALO sa 28th Star Awards for TV para sa kategoryang Best Comedy Actor para sa mahusay nitong performance sa Bubble Gang, nagkasunud-sunod ang suwerte ni Sef Cadayona, kung saan bukod sa Bubble Gang, SAS at Vampire Ang Daddy Ko, meron itong bagong TV show, ang Manny Pacquiao Sports Science.
Dream come true raw kay Sef ang makatrabaho ang Pambansang Kamao, kaya naman daw sobrang saya nito na mapabilang sa program ng mahusay na boksingero.
Hindi nga raw naiwasan nitong kabahan nang mabalitaang makakasama siya sa show ng Pambansang Kamao. Pero dahil pangarap niyang makatrabaho ito, ginalingan na lang daw niya at ibinigay ang kanyang 100% sa unang taping niya sa said show.

ADVERTISING

John-FontanillaTV5 nagbuwena-manong nagbigay-saya sa mga entertainement press

ANG KAPATID Network TV5 ang buwena-manong nagbigay ng Christmas Party sa mga entertainment press, kung saan ang lahat ng dumalo ay pare-parehong umuwing nakangiti at walang luhaan.
Pagpasok mo pa lang sa Elements, kung saan ginanap ang Press Christmas Party, may give aways ka nang makukuha at sinundan ng pagbibigay ng awards sa mga ilang press people.
Lumakas naman ang hiyawan ng magsimulang magpa-raffle na ng salapi, kung saan from 1k to 1.5k at 2k hangang 10k, 15k at 20k ang pinamahaging salapi ng TV5. Masasabi ngang tunay na Kapatid ng mga entertainment press ang TV5 dahil wala silang pinipili at kinikilingan dahil lahat ay imbitado.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING