Bukod kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, isa pang celebrity couple, hiwalay na rin?

ADVERTISING

Bukod kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, isa pang celebrity couple, hiwalay na rin?

Aga-Muhlach-Charlene-GonzalesNAKU, HA?! Hiwalayan na naman ang isyu ngayon, huh! Nasa sentro nga ng isyung hiwalayan ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, pero walang sagot ang mag-asawa.

Sa halip, nag-post si Charlene sa Instagram account nito ng anniversary celebration nila ni Aga.

Pero natsitsismis si Aga sa isang younger girl daw na taga-Bicol. Hindi lang daw sila puwedeng magsalita tungkol diyan, dahil meron daw kontrata sa commercial na pinuprotektahan.

Tsismis pa lang lahat ‘yan, ha? Hindi natin alam kung ano talaga ang totoo.

ADVERTISING

Pero kung may ganu’ng kumakalat na tsismis, may pinanggalingan ‘yan. Kaya kung hindi nga ito totoo, dapat na magsalita na ang mag-asawa para klaruhin ang naturang intriga.

Meron pang celebrity couple na natsitsismis na hiwalay na rin daw. Magkasama lang daw sa isang bahay, pero magkahiwalay na raw na kuwarto.

‘Pag pumutok na ang balitang ‘yan, at kung totoo nga ito, hindi na ako magugulat.

‘Yun naman talaga ang hula ng karamihan na sa hiwalayan din ang bagsak ng relasyon nila.

Abangan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING