Bukod kay David Foster
Gerphil Flores, tutulungan din ni Atty. Ferdinand Topacio

ADVERTISING

<i>Bukod kay David Foster</i><br> Gerphil Flores, tutulungan din ni Atty. Ferdinand Topacio

Gerphil Flores with Atty. Ferdinand Topacio
Gerphil Flores with Atty. Ferdinand Topacio

Hindi na nga maawat ang pag-imbulog ng career sa international scene ng singer at UP Dean’s Lister sa kursong Bachelor of Music na si Asia’s Got Talent Runner-Up Gerphil Flores, dahil isinasama na siya ng Hollywood composer na si David Foster sa tour ng David and Friends sa iba’t ibang bansa na ang latest ay sa Bangkok, Thailand.
Kuwento nga ni Gerphil na kinakausap na siya ni David regarding sa kanyang magiging career abroad, pero ‘di pa nga maka-oo ang dalaga, dahil na rin sa gusto nitong makatapos muna ng pag-aaral kung saan running ito for cum laude or magna cum laude sa kanyang kursong kinukuha.
After graduation daw ay makapo-focus na ng 100% si Gerphil sa kanyang career. Pero sa ngayon ay handa raw itong tulungan ng mabait at very generous na si Atty. Ferdinand Topacio na nangakong ipagpoprodyus ito ng album at concert ngayong taon.
Bukod nga sa pag-awit, balak din ni Gerphil na subukan ang mapasama sa isang Broadway musical play kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING