Bukod kay Cass Ponti: Ara Mina, nagpatikim din kay Uma Khouny?

MAGBIBIGAY SI RUFFA Gutierrez ng 10k sa makapagpo-produce ng pictures ni DJ Mo na kasama si Rhian Ramos.

Panay kasi ang denay ni DJ Mo na sila na ni Rhian.

Sey rin ni Ruffa na minsang nakita si DJ Mo na kasama si Ms. Andi Manzano, nakita raw ni Ruby Rodriguez.

Kaya sa Paparazzi kahapon, panay na lang ang ngiti ni DJ Mo.

At nandu’n din kaya ang feeling ni DJ that time na ang laki-laki ng “nota” niya?

IKINULONG NGA BA sa CR ni Marian Rivera ang kasama sa Endless Love na si Bela Padilla, dahil natunugan nitong may gusto ito kay Dingdong Dantes?

Ano ‘to? Pagpapatunay na namang ang haba ng notes ni Dingdong?

‘PAG NAISIP NI Jobert Sucaldito na bumalik sa The Buzz, bukas pa rin daw ang talkshow para sa kanya. Eleven years din dito si Jobert.

Pero sabi ni Jobs, “’Wag na muna. Magko-concentrate na lang muna ako sa radio program ko!”

ISA SA MGA hinahangaan naming artista ay itong si Glydel Mercado na gumaganap na kontrabida sa Momay.

Alam n’yo kumbakit?

Halos lahat ng eksena, kami ang magkasama pero never naming naringgang nagreklamo.

Hanep nga ang stamina at energy ng babaeng ito. ‘Pag 8 a.m. ang calltime, andu’n siya ng 8 a.m. Tapos, kahit matapos siya ng 8 a.m., okay lang din.

Hindi talaga marunong magreklamo. Work lang nang work. May eksena nga ang isang artista sa Momay, si Glydel ang kaeksena.

Paulit-ulit ‘yung scene, pero hindi man lang siya kinakitaan ng inis o pagkabuwisit. Sa halip, pinalalakas pa niya ang loob nu’ng bagets, kaya sa Momay lang salbahe si “Hillary.”

Pero sa tunay na buhay, sobrang professional at bait ni Glydel.

Nainggit nga kami sa kanya, kasi, mas mabait pa siya kesa sa amin, eh. Hahaha!

NAKAKALOKAH SI UMA Khouny nu’ng mag-pinch-hit siya sa maysakit na si IC Mendoza sa Juicy recently. Inamin niya na meron na rin siyang “natikmang” artista.

Wala siyang inaming “natikmang” lalaki, pero sa babae, meron.

Sinu-sino ito?

Una, si Cass Ponti.

Pangalawang “natikman” daw niya, si Ara Mina.

Kaya, Mareng Ara, true ba ‘to?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleFemale anchor na mukhang tindera ng isda, “disturbed” daw sa pagkaliskis ng isda!
Next articleClaudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica Panganiban

No posts to display