BUKING NA!!! James Reid at Nadine Lustre, napaamin ni Vice Ganda na laging magkatabing matulog sa gabi!

ADVERTISING
BUKING NA!!! James Reid at Nadine Lustre, napaamin ni Vice Ganda na laging magkatabing matulog sa gabi!
Nadine Lustre and James Reid

KONTROBERSYAL PA RIN talaga ang real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Kagabi ay usap-usapan ang episode ng Gandang Gabi Vice featuring JaDine dahil parang napaamin na rin ni Vice Ganda ang dalawa na magkasama silang natutulog palagi.

Nag-umpisa ang revelation nang sambitin ni James na kahit araw-araw kayo magkasama ng dyowa mo ay dapat pinag-uusapan pa rin ang mga bagay-bagay na karaniwa’y hindi na nadidiscuss dahil lagi nga naman nand’yan ang iniibig.

ADVERTISING

“Every night ‘yan?” seryosong tanong ni Vice Ganda.

“Yeah… usually, night time.” kaswal na sagot ni James pero halata mo ang pagiging taranta ni Nadine sa pasimpleng eme ni VG.

“Before you sleep?” 

ADVERTISING

Nagtinginan na lang sina James at Nadine.

“Sabay ba kayong natutulog?”

“Depende..” sagot ni Nadine na halata ang pagkanerbyos kahit tumatawa.

“Magkatabi ba kayong natutulog?” follow-up ni Vice.

“Sa shoot… ganun!” with hesitations na sagot ni Nadine.

“Sa shoot… sa service!” dagdag ni James

Sa pagiging uncomfortable ng JaDine sa mga tanong ni Vice, lalo lang nacoconfirm ng madlang pipol na sa iisang bahay na nga nakatira ang dalawa.

Ibinahagi rin ng controversial couple na si Nadine ang palaging nakasiksik kay James kapag natutulog. 

Sinubukang huliin ng mas bongga ni Vice si Nadine nang tanungin niya “Gaano ba kalaki ang kama niyo?”

“Niya… bakit niyo?!” pangontra ni Nadine sabay turo kay James. In fairness, may mystery pa rin, huh!

Live in man o hindi ang dalawa, mukhang very much at ease naman na sila in each other’s arms. Sana ay maituwid na ng JaDine kung anuman ang naging problema nila in the past pagdating sa kanilang trabaho.

As of writing, nakabalik na mula sa London sina James at Nadine. Doon nila kinunan ang ilang eksena para sa pelikulang “Never Not Love You” na nangambang ma-cancel. Kung maihahabol, ipapalabas na ito sa March.

 

 

ADVERTISING