BUKING NA BUKING: WALWAL BOYS, HINDI MAKAPAG-DENY!

ADVERTISING

BUKING NA BUKING: WALWAL BOYS, HINDI MAKAPAG-DENY!

BUKING NA BUKING: WALWAL BOYS, HINDI MAKAPAG-DENY!
Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada and Donny Pangilinan

BONGGA ang mga Walwal Boys namely Elmo Magalona, Kiko Pangilinan, Jerome Ponce at Donny Pangilinan.

ADVERTISING

In today’s Magandang Buhay morning show episode nina Melai Cantiveros at Karla Estrada (minus Jolina Magdangal na naka-matertiny leave pa rin); ibinuking ng show ang mga fast facts about the boys na hindi alam ng karamihan.

Si Elmo, cool lang pero during shooting breaks nila ay super tsika sa kausap sa kanyang mobile phone. Hindi man binanggit kung sino ang kababaran niya ay alam na ng mga kasamahan kung sino.

Si Kiko ang papogi kanilang apat na boys. Chickboy na kung ilang beses humaharap sa salamin para ayusin ang kanyang buhok bago mag-take. Inamin ng binata nina Gary Estrada at Cheska Diaz na may-girlfriend na siya pero hindi binanggit kung sino.

ADVERTISING

Si Donny naman ay super lakas kumain, ayon sa kuwento ni Jerome pero super secretive. No lovelife ang binata nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

BUKING NA BUKING: WALWAL BOYS, HINDI MAKAPAG-DENY!
WALWAL cast members

At si Jerome? Siya ang “Kuya” ng tatlo dahil siya ang more serious sa mga Walwal Boys pero kapag silang apat ang magkakasama, asahan mo ang kulitan, walwalan at harutan nila na nabuo ang closeness sa isa’t isa nang magkasama sila sa pelikulang Walwal ni Direk Joey Javier Reyes mula sa Regal Entertainment.

Walwal, the movie ay showing na next week, June 27 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING