Bugoy Cariño muntik nang ipalaglag ang anak nila ni EJ Laure

NAGING hot topic sa showbiz noon ang tsika tungkol sa pagiging ‘batang ama’ diumano ng dating child actor na si Bugoy Cariño, na naging sanhi para siya ay alisin sa grupong Hashtags ng It’s Showtime.

Inamin ni Bugoy Cariño na dahil na rin sa kanyang showbiz career ay sumagi sa isip nito na ipalaglag na lang ang dinadala ng kanyang partner na si EJ Laure.

Bugoy Cariño muntik nang ipalaglag ang anak nila ni EJ Laure
Bugoy Carino and EJ Laure with daughter

Para sa Father’s Day vlog ni Karen Davila ay ininterbyu nito si Bugoy, na on a rare moment ay nag-open up tungkol sa pagiging batang ama.

Aminado si Bugoy na nahirapan ito noon dahil siya ay menor de edad pa lamang (16 years old) habang ang kanyang partner na si EJ Laura ay 21 years old na at aktibo bilang volleyball player ng UST Tigresses.

“Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang yung baby. Parang bata pa ko nun, hindi ko alam na buhay pala yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something,” pag-amin niya.

“Sabi ko sarili ko, o sige para lang mabalik yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para mabalik yung mga shows na ibinigay sakin. Yung tiwala sa’kin ng ABS. Sige, ipalaglag na lang.”

Pero after one week ay nakapag-isip-isip ito na kung itutuloy nila ang pagpapalaglag, para na rin siyang pumatay ng tao. Kinausap niya ang mga noo’y galit na galit na magulang niya.

“Kapag pinalaglag ko pala ito, parang itong yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” ani Bugoy.

Nagkaroon naman ng kumyansa sa sarili si Bugoy nang makausap ang ama na noo’y nagtatrabaho sa Saudi.

“‘Bunso, pag yan pinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. Pag pinalaglag mo yan, di ka tunay na lalaki,’” sambit ng ama sa kanya.

Kinausap niya ang nobya at nagkasundo sila na ituloy ang pagbubuntis lalo na’t gusto rin niya magpahinga sa paglalaro ng volleyball. Galit na galit ang pamilya ng babae noon at may mga pagkakataon pa nga raw na nakayuko lang siya habang kasalo ang pamilya ng kanyang partner.

Dinepensahan din ni Bugoy si EJ laban sa mga bashers na noo’y sinisisi ng mga fans.

“Hindi ako masisisi ng tao. Hindi masisisi si EJ ng mga tao kung bakit di pigilan ang sarili. Ako po talaga ang may gusto kay EJ. So, sabi ko sa kanya, ‘wag mo na pansinin. Pagdating naman ng panahon wala na yan eh. Magbabago din isip nila,” paliwanag nito.

Dahil dito ay naapektuhan ang showbiz career ni Bugoy. Inamin nito na namroblema siya kung paano bubuhayin ang mag-ina niya, kaya pinasok nito ang online selling.

Previous articleBianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa pagiging PBB housemate; inalala sina Toni at Mariel
Next articleJoem Bascon at Meryll Soriano, nalalapit na ang kasal?