Bugaw ng kontrobersyal starlet, nagbugaw rin ng 2 young actress sa gobernador sa norte

ADVERTISING

BLIND ITEM: Trulala raw ‘yung kinasangkutang eskandalo ng isang kontrobersyal na starlet kamakailan lang? Diumano, kilalang “boogie woogie wonderland” (bugaw, gagah!) ang kasama nito.

Marami na raw “nai-booking” na mga starlets itong si “boogie” . At in ferness pawang mga bigating tao raw ang mga kliyente nito, huh! In ferness ulet, may mga kasama pa itong 2 bogalooo na nung time na na-Julie Vega siya eh, hindi niya kasama ang mga “close friends” niya.

May nakapagbulong sa amin na recently lang ay isang mestisahing young actress na nagbida kamakailan sa isang pelikula ang dinala diumano nito sa isang malayong bayan sa North. No less than the Governor daw ang parukyano nito. 3 days daw nag-stay si girl doon at nu’ng umuwi ay hindi raw magkaigi sa pagbibilang ng salapi! Take note, hatid-sundo pa siya ng helicopter,huh!

Hindi lang iyan, kamakailan naman ay nag-debut ang isang aspiring young actress na naibugaw rin daw kay Governor. Siyempre pa, bongga ang debut dahil all expenses paid ni Gov. Nakasa-sad lang dahil mahusay umarte ito at maganda, kahit hindi niya gawin ‘yun ay kikitain niya ang salaping galing sa kung saan.

Hayyyyy…. nakakaloka ang mga tsika! Grabeeeee!!!!! Wah na clue noh! Afraid!

ADVERTISING

By Ronald Rafer

ADVERTISING