Bret Jackson, dinuro si Shaun Salvador dahil kay Ella Cruz

ADVERTISING

Bret Jackson, dinuro si Shaun Salvador dahil kay Ella Cruz

Shaun-Salvador-Bret-JacksonNAPUNO RAW ng tensiyon ang katatapos na trade launch ng TV5 kamakailan, dahil sa hambog na teen actor na si Bret Jackson.
Ang siste raw, biglang pumasok sa dressing room ang starlet na si Bret at hinarap ang walang kamalay-malay na si Shaun Salvador, isa sa lead teen actor ng hit horror/teen show na “ParangNormalActivity” at dinuro at sinabihan ng: “So it’s you.”
At dahil mabait at gentleman daw si Shaun, inabot daw nito ang kanyang kamay at akmang makikipag-shake hands, pero ‘di raw ito pinansin at tinitigan lang si Shaun at umalis na lang bigla.
Maaalalang si Shaun ang ka-partner ni Ella Cruz sa “ParangNormalActivity”, na siya namang nililigawan daw ni Bret. Hindi naman daw siguro kasalanan ni Shaun kung mag-click ang tandem nila ni Ella at hindi naman niya nilligawan si Ella. Kaya walang karapatang umasta-asta nang ganoon si Bret na animo’y nagpa-power trip at feeling sikat na hindi naman.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING