Bret Jackson, ‘di raw niligawan si Ella Cruz

ADVERTISING

Bret Jackson, ‘di raw niligawan si Ella Cruz

Bret-Jackson-Ella-CruzHindi naman itinanggi ni Bret Jackson na nag-date sila ni Ella Cruz. Pero hindi naman daw dumating sa puntong niligawan niya si Ella. Naibalita kasi na may relasyon na raw ang dalawa pagkatapos silang magsama sa Wattpad series sa TV5.

“Ella is not my girlfriend. Yes we went out a few times but that’s just it. She is a very nice girl and she makes me laugh. Ella knows that I can’t get into a relationship now. Masyado akong busy with my career. Kaya wala akong nililigawang ibang girls. Mas priority ko ang work. I love my job and I want to be professional,” pagdidiin ni Bret.

Kumusta naman sila ni Andi Eigenmann na naging girlfriend din niya.

“Mas naging close pa kami noong maghiwalay kami ni Andi. I guess that is the mystery of relationship. Kung kailan hindi na kayo, mas nagiging okey kayo. Like me and Andi, we understood each other when we broke up. Siguro nga , we weren’t meant to be together as lovers. Pang-friends lang talaga kami,” say pa ni Bret.

ADVERTISING

Samantalang nang makausap namin si Ella sa backstage ng Kia Theater na pinagdausan ng katatapos na 29th PMPC Star Awards for TV, kung saan nagkaroon ng dance number si Ella, isang matamis na ngiti lang ang itinugon nito nang ungkatin ang pagkakamabutihan nila ni Bret.

Pinatotohanan din ni Ella na hindi umabot sa punto na naging sila ni Bret. Naging magkaibigan lang daw sila at bata pa raw siya para pag-ukulan ng pansin ang tawag ng pag-ibig.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING