Bret Jackson, ‘di raw nakikipag-agawan ng babae kay James Reid

ADVERTISING

Bret Jackson, ‘di raw nakikipag-agawan ng babae kay James Reid

Bret-JacksonMAY GANU’NG tsika ba? Hindi raw p’wedeng intrigahin ang friendship nina Bret Jackson at James Reid. Buddy-buddy sila kahit noon pa mang bago sumikat ang Australian hunk na flavor of the season ngayon.

Sa katunayan, sa Kapamilya Network, sabay silang nagsimula na nang hindi madiskartehan ang kung ano ang mangyayari sa mga careers nila, lumipat sila pareho sa Viva Artists management na ngayon naman ay nag-aani na rin sila ng tagumpay.

Close sina Bret at James na ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay minsan nang nabahiran ng “same sex” intriga. Tsismis kasi na dahil uso ngayong ang mga “bromance”, sina Bret at James are into a “bromance friendship”.

“We are both straight,” paniguro ni Bret nang makausap namin siya sa Angela Markado press launch, kung saan he plays boyfriend sa ex-girlfriend (in real life) niyang si Andi Eigenmann who plays the lead role sa remake ng pelikula na produced ng ma-asawang Donna Villa (for Oro de Siete Films) at Direk Carlo J. Caparas na released naman thru Viva Films, kung saan nakilala si Hilda Koronel sa Cannes Film Festival decades ago.

ADVERTISING

Sa friendship nina Bret at James, para silang magkapatid. Very close sila sa isa’t isa. They share the same secrets, ‘ika nga. Pero one thing na panigurado ni Bret, hindi sila naga-aayaw pagdating sa babae. At sigurado si Bret na ang tsismis na kumakalat sa mga chat rooms ay walang katotohanan.

Dahil malayo ang inuuwian ni James sa lugar na pinagtatrabahuan niya tulad sa mga shooting niya for his Viva Films projects and tapings for the hit kilig serye na On The Wings of Love, kung minsan overnight guest ni Bret ang hunkie bagets sensation sa bahay nila sa Quezon City. “He lives from his work,” kuwento ng binata.

“I wonder why people will make tsismis about our masculinity,” napangingiti na pahayag ni Bret who was wearing a skinny jeans na tight na tight at bakat ang kanyang mga hita na hindi pangkaraniwan, dahil printed ng white polka dots ang suot niya, kung masisipat mo ang itinatago niyang “yaman”, isa lang ang reaksyon mo kung isa kang bekilou ay mapawa-wow ka at mapatitingin dun sa pagitan ng kanyang mga hita.

Kaya ‘yong tsismis na kumakalat online about him and his best buddy na si James, waley ‘yun. Walang katotohan.

Si Bret, romantically nali-link kay Ella Cruz (like na like niya ang dance moves ng dalaga sa ‘Twerk It Like Miley’), kaya pulso mo na true-blooded “hunk” din siya tulad ni James.

“She’s the type of girl na gusto ko,” sabi ni Bret na ayaw pang aminin na may “something” going on sa kanilang ni Ella.

“Yes, we go out on dates pero wala pa,” paniguro niya.

Pero my kissing kapag kayong dalawa lang? Ngumiti muli siya na medyo may kapilyuhan. Sige, no confirmation sa kanila ni Ella, pero ayaw niyang i-confirm kung may “kissing” na silang dalawa in private.

Now sino’ng may sabi na ka-join sa “federasyon” ang binata at ang buddy niyang si James? They love girls.

Pahabol ni Bret, si James daw: “He like petite girls. Kaya we don’t compete.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING