Break na kay Rayver Cruz?
Cristine Reyes, nakikipag-date kay Derek Ramsay!

ADVERTISING

<i>Break na kay Rayver Cruz?</i><br>Cristine Reyes, nakikipag-date kay Derek Ramsay!

<i>Break na kay Rayver Cruz?</i><br>Cristine Reyes, nakikipag-date kay Derek Ramsay!TOTOO NGANG nagde-date sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

May nakita kaming photo ng dalawa while inside a bar. Pero hindi lang naman sila ang magkasama, meron pa silang non-showbiz friend ng ka-join sa gimik nilang iyon.

Kumalat sa internet ang dalawang photo nina Cristine at Derek habang nasa Beers Paradise sa Makati City. Kasama nila sa isang photo si Darrel Del Pilar na friend yata ni Derek.

Ano kaya ang masasabi ni Rayver Cruz sa pagkalat ng photo ng kanyang dyowa na kasama ang Kapatid hunk? We’re certain na hindi lang nagsasalita si Rayver pero masakit ‘yon para sa kanya na boyfriend ni Cristine.

ADVERTISING

Kung si Rayver kaya ang nakunan ng photo na kasama ang ibang babae, hindi kaya magwala si Cristine?

Para tuloy gusto na naming paniwalaan ang chikang break na nga sina Cristine at Rayver.

No guy in his right mind kasi will be happy seeing his girlfriend in a bar with an equally hunky friend.

Sabi naman ni Derek in one of his interviews, ang alam niya ay mag-boyfriend pa rin sina Cristine at Rayver. Gano’n naman pala, eh, bakit ka umeeksena pa? Don’t be insensitive, Derek. Kung sa ‘yo man gawin ‘yon, na ang GF mo ay may ka-date na ibang guy ay tiyak na magagalit ka rin.

Ang kay Juan ay kay Juan. Ang kay Pedro ay kay Pedro. Gets mo, Derek?

 

SOLD OUT ang first cover pictorial ni Marian Something for a men’s magazine.

Dahil dito, nagbunyi kaagad ang kanyang mga alipores. Siyempre nga naman, ikaw na ang bumenta nang husto ang unang labas sa men’s magazine hindi ka ba magbubunyi.

Nakita namin ang dalawang shots ni Marianita sa magazine na lumabas sa internet. Sobra palang daring ng pictorial.

In the two photos that we saw, Marianita was clad in a very revealing dress na litaw ang buong likod. ‘Yung isang kuha ay nakaharap siya samantalang ‘yung isa naman ay nakatagilid siya.

Tama ba ang napansin naming halos lumitaw na ang butt crack niya sa suot niyang dress? Hindi lang ito talaga maaninag dahil sa ilaw. Pero in fairness naman sa dyowa ni Dingdong Dantes ay flawless naman ito and she possesses the dangerous curves.

Matagal nang inaawitan ng magazine si Marian at lately lang sila pinagbigyan.

Kaya lang, kailangan pa bang gawin ni Marianita ang magpaseksi sa magazine? Nagpapapansin ba siya?

 

<i>Break na kay Rayver Cruz?</i><br>Cristine Reyes, nakikipag-date kay Derek Ramsay!NAPAIYAK DAW sina Sarah Geronimo at Kim Chiu when they learned na Gerald Anderson is dating Maja Salvador.

Kung true ito, it only means that the two young girls are still in love with Gerald.

It’s obvious naman sa salita ni Kim sa book 2 launch ng Ina, Kapatid, Anak na mahal pa rin niya si Gerald. Kahit na wini-wish niya sina Maja at Gerald nang mabuti kung totoo ngang nagde-date na sila, hindi pa rin niya maitatanggi ang bitterness na kanyang naramdaman when she said na kinain ni Maja ang kanyang mga sinabi. Noong best friends pa kasi sila ay nag-open up si Kim kay Maja tungkol sa relasyon nila ni Gerald.

Now, si Sarah naman, halatang bitter din at nagpaparinig noong last interview niya. Na kesyo ‘wag daw sisihin ang kanyang madir sa nangyari sa kanilang ligawan ni Gerald. Hindi man niya pinangalanan ang Kapamilya actor ay obvious namang ito ang kanyang tinutukoy.

It is obvious that Gerald is still in the playing field. Matagal pa bago siya magseryoso when it comes to his love life. Do you think he’s dead serious on Maja? We don’t think so. Ang feeling namin ay passing fancy lang niya ang dalaga at hindi naman niya true love ‘yan.

Wanna bet?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING