Boyfriend ni Yeng Constantino, nakaw-eksena sa Star Magic Ball

ADVERTISING

Boyfriend ni Yeng Constantino, nakaw-eksena sa Star Magic Ball

Boyfriend ni Yeng Constantino, nakaw-eksena sa Star Magic BallUMEKSENA ANG boyfriend ni Yeng Constantino sa Star Magic Ball.

Lumuhod ito nang magbigay ng bulaklak sa singer, something which caught the attention of the guests. Talagang nakaw-eksena ang ginawa nito.

Patalbugan at paseksihan ang drama ng Star Magic artists. Easily, si Shaina Magdayao ang winner sa kanyang bare back white gown na kita ang kanyang cleavage sa harap.

Bukas din ang likod ng gown nina Maja Salvador at Kiray Celis at nagmumura rin ang boobs nina Bea Alonzo at K Brosas.

ADVERTISING

Prinsesang-prinsesa naman ang peg nina Kathryn Bernardo, Julia Barretto at Julia Montes.

Gretchen Barretto opted to drape herself in a black outfit which is bereft of sexiness. Minimalist ang drama ng hitad at ang nakaw-eksena lang ay ang pearl accessories niya. Dawn was even simpler in her gown pero ang ganda-ganda niya.

Easily, si Kristine Hermosa ang nangibabaw. While everyone chose between white, black and beige gowns, she donned a blue number which made her stood out in the crowd.

 

MARIAN SOMETHING’S defenders are seething in anger over a rumor that their idol caused tension on the set of Dingdong Dantes’ latest soap opera.

Natsismis na nagselos si Marianita nang makita nitong sweet sina Dingdong at Rhian Ramos nang bumisita siya sa set ng Genesis. Ilang oras daw na nag-usap ang dalawa sa sasakyan while everybody on the set waited for the actor to return to his taping.

Obviously, hindi nagustuhan ng avid online supporters ni Marianita ang nasulat na negative about their idol that’s why they took to social media to defend the actress.

Bakit daw negative ang paraan ng GMA-7 sa pagpo-promote ng soap. Bakit daw puro nega ang nasusulat kay Marian.

“Who handles the press release arm of GMA Entertainment? They’re stuck in the 80′s and 90′s where negative publicity stunts still ruled methods of plugging a soap opera or upcoming primetime TV series. It’s still based on personalities that headed the project (Dingdong Dantes and Rhian Ramos), not on the merits that the project has to offer. And it’s really sickening that Marian Rivera got into this imbroglio all over again just because of a plain visit,” Jingdalagan wrote in an article posted on Empower Network.

It’s very illogical to even think that GMA had a hand on the negative publicity of Marian. Why will they do that?

Nilait din nito ang tabloid writers for dishing out negative issues about Marianita.

“Who’s idea is it to portray Marian Rivera as a woman having jealousy issues worse than Hera towards Zeus? It’s useless to berate the tabloid writers. They already got paid for their weekly quota of shit to write against Marian Rivera. They won’t be writing articles beneath the level of toilet paper if they aren’t paid for it,” the article said.

“For some folks, writing is their only way to make money online so be it if it’s at the expense of another human being like Marian Rivera. It’s sad when bad press is the source of income for others who thought they don’t have a choice. It can get really malicious too depending on how much income is generated for the sake of destroying actual people. Then again it’s useless arguing with such individuals when it’s so easy to slap them with money regularly,” dagdag pa niya.

Grabe kung manlait ang writer na ito, ‘no? Bakit, lahat ba ng tabloid writers ay walang pinag-aralan?

It is easily understandable why some fans are just FANS. Hindi kasi sila nag-iisip.

Why would a writer destroy Marian? Ibig bang sabihin, imbento ang lahat ng negative na nasulat about your idol? Mag-isip ka nga! That is, kung may isip ka pa!

If it’s useless arguing with writers, mas lalong USELESS ang makipag-argue sa isang FAN LANG dahil mas madalas sila ay BULAG, PIPI AT BINGI sa mga isyung totoo!

Not all EDUCATED people are LEARNED. There are still some who remain an IDIOT, a MORON and a SAVANT kahit nakapag-aral sila.

Enough of your shenanigans!

 

AMUSED KAMI when Cherie Gil revealed na iba na ang slapping scenes ngayon sa TV.

“Noon, we wanted to slap each other. Palakasan pa kami ni Sharon (Cuneta),” sabi ni Cherie sa presscon ng Sonata, ang entry nina Peque Gallaga at Lore Reyes sa Sineng Pambansa Masters Edition.

Ibinuking niyang meron ng double ang mga soap stars ngayon kapag may eksenang sampalan.

“Stars are more fragile now. Their managers are more careful, so they put in stunt women to slap. That bores me. If that’s the case, bakit tayo mananampal?”

Hindi na nga sanay si Cherie manampal. Fact is, it took her quite some time to perfect her slapping scene with Daniel Fernando.

“Hindi ko na kaya. Hindi ko na matama-tama. I’ve lost the touch,” pag-amin niya.

Buti na lang, dito sa Sonata ay wala yata siyang scene na mananampal. As an international diva who lost her voice kaya umuwi siya ng probinsiya, ipinakita ni Cherie na more than slapping ay carry niyang magdrama nang very convincing.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING