Boyfriend ni Angelica Panganiban, nanganganib kay Gretchen Barretto? – Cristy Fermin

ADVERTISING

Boyfriend ni Angelica Panganiban, nanganganib kay Gretchen Barretto? – Cristy Fermin

Boyfriend ni Angelica Panganiban, nanganganib kay Gretchen Barretto? – Cristy FerminSIGURO NGA’Y SINASABI lang ni Angelica Panganiban na hindi siya naaapektuhan sa lantarang pagpapakita ng interes ni Gretchen Barretto sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay.

ADVERTISING

Siguro nga’y dinededma lang kunwari ‘yun ni Angelica, pero sa likod ng kanyang isip ay nandu’n ang pagkaalarma, dahil hindi naman maikakaila sa kanya ang mga pinagdaanang karanasan ni Gretchen sa pakikipagrelasyon.

Crush daw ni Gretchen si Derek, kaya nang magkita ang dalawa ay kinilig ang aktres, gustong makasama ni Gretchen sa isang proyekto ang machong aktor-atleta.

Malaki raw ang tiwala ni Angelica sa kanyang sarili, alam daw niya kung ano ang posisyon niya sa puso ni Derek, kaya ano ang dapat niyang ikabahala kung nagpapakita man ng interes si Gretchen sa kanyang boyfriend?

ADVERTISING

Pero pumupusta kami, hindi nga siguro sila nag-away ni Derek, pero siguradong naging paksa ‘yun ng kanilang selosang pururot. Kahit paano’y may ipinag-aalala si Angelica, lalo na’t lantad naman ang mga “kalokahan” ni Gretchen Barretto pagdating sa mga kalalakihan.

Ayaw ni John Estrada ng ganyan!

Ha! Ha! Ha! Ha!

Read another item today by Cristy Fermin:

Wowowee staff, aalis bukas patungong Lake Tahoe

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING