Boy Abunda, tinatapos na ang dissertation para makapagturo na

Boy Abunda, tinatapos na ang dissertation para makapagturo na

Boy-AbundaBILANG PASASALAMAT sa isang taong sobrang malapit sa aming puso, sinadya namin si Boy Abunda nitong nakaraang Linggo sa The Buzz.

Knowing full well kung gaano kahigpit ang ABS-CBN when it comes to allowing visitors, nakiusap kami sa PA (personal assistant) ni Kuya Boy, si Phillip, kung maaari kaming isama sa guest list nito.

It’s been aeons kasi mula nang huli kaming magkita ni Kuya Boy, pero may komunikasyon naman kami through text.

With a little token of gratitude na aming dinala sa kanya—a no match to his countless acts of generosity—welcome sight para sa amin na makitang muli si Kuya Boy. Up on his feet. Fashion-conscious pa rin as always at panay tawa while half-covering his face.

Sa medyo mahaba-habang backstage tsikahan namin, masaya niyang ibinalita na 100% na siyang fully recovered mula sa kanyang naging sakit. “In two weeks, nawala ‘yung abcess (nana) ko sa liver, that fast! At saka, walang bawal na pagkain sa akin. Ang problema ko ngayon, I’m gaining weight. Eh, Pasko pa?”

Another good news, malapit na raw niyang ihain ang kanyang huling dissertation in his graduate studies. “Gusto ko talagang magturo,” nananabik na sabi ng King of Talk.

Kunsabagay, what else has Kuya Boy got to prove? Looks like, teaching will also be a piece of cake.

 

THIS SUNDAY on Ismol Family, nagkaroon ng media curiosity sa triplets ng mag-asawang Jingo at Majay. A staff from Mega Small Magazine interviews the newborn.

Tuwing sumasagot si Jingo, ipinakikita ang eksena sa mga nakaraang episode ng Ismol Family related to the questions na Nag-umpisa ‘yon kay Majay, kung paano sila nagkakilala, ang kanilang pinagkakakitahan at ang pagtatrabaho ni Majay sa Dubai.

Ininterbyu din si Mama A. Ipinakita rin ‘yung eksena nila ni Lance at mga away nina Bobong at Lance. May moment din sina Yumi at Ethan. Dumating din sina Bernie at PJ na nagbahagi rin ng kanilang kuwento, including Natalia.

Lahat ng mga tauhan sa family-oriented show na ito ay kinapanayam for the magazine article, pero just what are the scenes interspersed with the interviews?

Well, there’s a reason para hindi palampasin ang masayang Sunday episode ng Ismol Family!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III