Boy Abunda – super generous, may kamera man o wala – Ogie Diaz

Boy Abunda - super generous, may kamera man o wala - Ogie Diaz

Boy Abunda - super generous, may kamera man o wala - Ogie DiazKUNG NATUTUWA NA tayo sa mga artistang aktibong dumadamay sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng, mas nakakatuwa siyempre ‘yung makakarating na lang sa kaalaman natin na “quiet” lang na nagsasagawa ng kanilang sariling relief operations.

Tulad na lamang nina John Prats, non-showbiz friend Gelo Serrano at Vhong Navarro.  Sila mismo ay tumulak ng Rizal para mamahagi ng kanilang pinagsanib-puwersang lakas ng relief goods.

Juice ko naman, sa laki ng kinikita nila sa product endorsements pa lamang, gasino nga lang naman ‘yung makakaltas sa kaban ng yaman nila para i-share sa mga kababayang nangangailangan, ‘di ba?

At least, ‘di ba?  ‘Yung ibang artista nga, manhid.  Walang pakiramdam.  No reaction.  Deadma.

[ad#post-ad-box]

SI ERIC FRUCTUOSO naman ang nagkuwento sa amin na sumama sa kanila si Papa Piolo Pascual para mamahagi rin ng relief goods kasama ang kanilang grupo na nagsimula sa teleseryeng Lobo.

“Nakakatuwa si Pj, mare!”  Wala nang kokontra, ‘yan ang tawag sa amin ni Eric–tumataginting na mare. “Mas type niya sa amin sumama kasi nga, ang dami nang artista sa ‘Sagip Kapamilya.’ At as much as possible, ayaw niyang makunan ng kamera ang kanyang ginagawang pagtulong.

“Kaya nga hanga nga ako sa taong ‘yan, eh.  Sikat na sikat, pero walang yabang sa katawan!”

MATARAY NAMAN SI Kuya Boy Abunda.  Talagang kahon-kahon ang ibinaba para sa mga nasalanta sa bayan ng Cainta.  Juice ko, alam n’yo, ke me camera o wala, si Kuya Boy ay likas nang generous.

Juice ko, ayaw na naming isa-isahin pa ang mga natulungan niya.  At sa totoo lang, isa kami sa mga kaibigan niyang sine-share niya ang kanyang blessings.  At proud kaming maging kaibigan ng isang Boy Abunda.

Ilang pabor na ang hiningi namin kay Kuya Boy na hindi niya sa amin ipinagkait, kaya naman in return, mahal na mahal namin ang taong ‘yan.   Promise.

Blind Item: Utang ng mayor sa event organizer, ipinagpapabukas palagi

Wag n’yong kakalimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz