Boy Abunda at Kris Aquino, kinondena ang isang condo building sa Taguig

Boy Abunda at Kris Aquino, kinondena ang isang condo building sa Taguig

Boy-Abunda-Kris-AquinoABANGAN N’YO bukas sa Startalk ang kuwento namin tungkol sa isyu nina Boy Abunda at Kris Aquino na kung saan ay kinondena nila ang isang condo building sa BGC, Taguig na ipinagbabawal daw nila ang mga kasambahay, driver, at ilang trabahador na gumamit ng elevator.

Meron lang daw silang service elevator na puwedeng gamitin, pero hindi sila puwedeng sumabay sa mga tenants at guests ng naturang condo.

Nag-react ang kapatid ng manager ng condo na ‘yun at matindi rin ang sagot nito kaya sinagot na rin ito ni Kuya Boy.

Basta sabi ni Kuya Boy, hinihimay-himay pa raw nila ang mga sagot sa kanila, at baka magpa-presscon daw siya para sagutin ito.

Pero talagang kontra sila ni Kris sa patakaran na ‘yun ng condo na ganu’n din yata sa ibang malalaking condo.

Kahit ako kontra rin sa ganu’n dahil pare-pareho lang ang trato namin sa mga kasambahay at pati sa driver namin.

Sabi nga ni Kris, kung ano ang kinakain niya, ganu’n din ang kinakain ng mga kasambahay. Kaya, pare-pareho lang ang trato sa kanila.

Tingnan natin saan tutuloy ‘tong isyung ito, dahil ang daming nag-react na hindi makatao itong ginagawa ng condo na ‘yun!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis