“Born To Be a Star” grand winner Shanne Dandan, masundan kaya ang yapak ni Sarah Geronimo?

ADVERTISING

"Born To Be a Star" grand winner Shanne Dandan, masundan kaya ang yapak ni Sarah Geronimo?

Shanne Dandan
Shanne Dandan

Matagumpay na nairaos noong Linggo ang kauna-unahang “Born To Be a Star” sa TV5 with Shanne Dandan as the grand prize winner. Binansagan siyang Broadway Diva with her contest piece na kumabog sa walo pang star hopefuls which made her P1 million richer with matching fully furnished condo unit and to top it all, stardom within her reach.

Bukod sa Star Council, isa rin sa tatlong special judges ay ang TV5 executive na si Bebong Muñoz.  Ewan lang if Shanne reminded him so much of his ex-girlfriend Jolina Magdangal na petite at mahusay ring kumanta. Ang estilo kasi ng top winner ay may halong acting, hindi lang niya kinanta ang kanyang pambatong piyesa.

With the success of the reality singing competition, tanong tuloy ng marami ay kung kailan ang susunod na season nito. Magkaroon din daw ba ito ng kids’ edition? Si Shanne Dandan na ba ang susunod sa mga yapak ni Sarah Geronimo?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING
ADVERTISING