Boobsie Wonderland, tuloy na tuloy na ang solo concert sa Music Museum

Boobsie Wonderland, tuloy na tuloy na ang solo concert sa Music Museum

Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Boom na boom ngayon ang career ng tinaguriang “Pambansang Baby ng Pilipinas” na si Boobsie Wonderland, dahil bukod sa regular itong napanonood sa “Sunday Pinasaya”, may bago itong show sa Kapuso Network, ang “Conan: The Beautician” na pinagbibidahan ni Mark Herras.

Tsika nga ni Boobsie, “Nakatutuwa, kasi sunud-sunod ang blessings na natatanggap ko. Sana lang, magdire-diretso siya. Biruin mo, mula nang makita kong muli ang father ko na matagal-tagal ko nang ‘di nakikita, nagkasunud-sunod na ang proyekto ko.”

Bukod nga sa TV shows ni Boobsie, parami nang parami rin ang raket nito, ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

At antabayanan lang daw ang kanyang first solo concert dahil nire-ready lang daw nila at tuloy na tuloy naman daw ito ngayong taon, entitled “Boobsie Wonderland, Grabe Siya Oh!” na magaganap sa Sept. 17 sa Music Museum.

John’s Point
by John Fontanilla