Boobsie Wonderland, kakaririn na ang pag-arte

ADVERTISING

Boobsie Wonderland, kakaririn na ang pag-arte

Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Nae-enjoy raw nang husto ng ng tinaguriang “Pambansang Baby” na si Boobsie Wonderland ang pag-arte via “Conan My Beautician” na napanonood sa GMA 7 every Sunday, 5 p.m.
Tsika nga ni Boobsie, “Dati, akala ko hindi ko kakayanin ‘yung simula madaling-araw hanggang madaling- araw na taping. Hahaha!
“Pero masarap pala. Nae-enjoy ko siya, kasi cool lang ang mga kasama ko sa ‘Conan My Beautician’. Nandiyan si Mark Herras, si Megan Young… sama mo si Tita Vangie Labalan, Tetay, Cacai Bautista, atbp. Eh, ‘di riot talaga.
“Pero ang isang part na until now na hindi ako makapaniwala eh, ‘yung mapasama ako sa billboard. Dati ‘pag may nakikita akong billboard, nagbibiruan kami na darating din ‘yung time na makikita ko ang sarili ko sa billboard. Kaya nga nu’ng nakita ko ‘yung sarili ko, nag-flashback ako, sabi ko sa sarili ko, dream come true.”
Pero sa success ni Boobsie Wonderland, may mga tao raw na gusto niyang pasalamatan. “Katulad nang lagi kong sinasabi, thankful talaga ako kasi napakalaki ng naitulong sa akin ni Sir Allan K, Mamu Andrew de Real, at siyempre walang iba kundi si Kuya Germs. Sila po ang nagbigay ng break at nagbukas ng pinto sa akin.
“Super thankful din po talaga ako nang sobra sa ‘Sunday Pinasaya’  family ko, kasi hanggang ngayon po dala-dala ko iyon at napaka-bless ko po dahil silang lahat ay mababait sa akin. Ganoon din po ang aking Conan Family, at sa lahat ng taong naniniwala sa kakayahan ko bilang komedyana,” pagtatapos ni Boobsie.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING