Boobsie Wonderland, bukod sa major concert sa Setyembre, mayroon ding Japan at Candada tours

ADVERTISING

Boobsie Wonderland, bukod sa major concert sa Setyembre, mayroon ding Japan at Candada tours

Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Mukhang nagiging mabentang-mabenta sa Filipino communities ang tinaguriang Pambansang Baby na si Boobsie Wonderland dahil sa dami ng shows nito sa abroad.
After nga nitong mag-show sa Middle East, nasa Japan ito para sa isang  show.
Kuwento nga ni Boobsie Wonderland, “Bale from June 16 to 21, nasa Japan ako for a show. Tapos by August naman, meron kaming Canada tour. Makasasama ko sina Allan K., Ate Gay, at Boobay.
“Wish ko nga, sana magtuluy-tuloy na para malibot ko ang buong mundo. Hahaha!”
Ibinalita rin nito na tuloy na tuloy na ang kanyang naudlot na show. “’Yung concert ko, tuloy na tuloy na ‘yun. Bale ang venue niya ay sa Music Museum na, at ‘di na sa Araneta o sa Kia Theater. Sa Music Museum na ang final. Magaganap siya sa September 17, Saturday, at birthday show ko ‘yun. Sana suportahan nila ako. Sana marami ang manonood para may part two. Hahaha!
Hangang ngayon nga raw, hindi pa rin makapaniwala si Boobsie sa magagandang nangyayari sa kanyang buhay.
Kaya naman daw nagpapasalamat siya sa mga taong walang sawang nanonood sa kanya at sa mga taong nagtitiwala na kunin ang kanyang serbisyo sa kanilang shows.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING