BONGGA NA LAUNCHING MOVIE: ‘Jowable’ ni Kim Molina, pak na pak sa mga millennials

ADVERTISING

BONGGA NA LAUNCHING MOVIE: 'Jowable' ni Kim Molina, pak na pak sa mga millennials

BONGGA NA LAUNCHING MOVIE: 'Jowable' ni Kim Molina, pak na pak sa mga millennials
Kim Molina in ‘Jowable’

HAD A FUN night kagabi, Monday, September 23 at the ‘white’ carpet premiere of the nakakalokang launching movie ni Kim Molina na JOWABLE.

Laughtrip as expected ang Jowable dahil sa trailer pa lang, nakakabaliw na ang mga eksena na mas lalo ka baliwing-baliw sa katatawa sa mga eksena ng pelikula kapag napanood nyo na ng buo.

 No wonder may cult following si Direk Darryl Yap at patok ang kanyang mga short films at mga naisulat na istorya. Si Direk Darryl ang masasabi ko na “Direktor ng Bagong Panahon” dahil alam niya ang topak at timpla ng mga “Milly” (Read: Millennial). Sapul niya kasi kung ano ang gusto ng mga kabataan na at the preem, karamihan na andun at nanood (isama nyo na ang Cine Adarna free showing ng pelikula to get the reaction of the young viewers) mga edad 15 to 21 years old ang pumuno ng sinehan sa SM Megamall.

Bongga ang suporta na ibinigay ni Kakai Bautista kay Kim as the Mawder. Irreverent ang eksena ni Elsa (the character of Kim) with Candy Pangilinan na kahit short lang ay solb na solb na kahit may kabastusan (pero yun ang lenguwahe ng mga kabataan ngayon) sa kanilang eksena ay hagalpakan ang tawanan sa loob ng sinehan.

ADVERTISING

For me, Jowable is IN. Makabago. Sakay na sakay kung ano ang gusto at hanap ng mga millennials sa klase ng comedy film na gusto nila pagkagastusan para panoorin.

BONGGA NA LAUNCHING MOVIE: 'Jowable' ni Kim Molina, pak na pak sa mga millennials
Kim Molina with the cast of ‘Jowable’

Ang gagaling nina Chad Kinis, Cai Cortez and this “tsinita” girl na boses ”keps” na hindi ko kilala, at syempre, bongga ang bed scene ang ipinamalas nina Kim at Jerald Napoles kung saan ang real-life boyfriend ng dalaga ang nag-break-in kay Elsa na No nang makamit ang sukdulan.

As a whole, aliw ang pelikula. Pak na pak. Swak na swak ang Jowable na produced ng Viva Films. Ang Jowable showing na bukas Wednesday Sept. 25 in cinemas nationwide. Congrats to the cast!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING