Bongga ang level!!! Yassi Pressman, kauna-unahang Pinoy endorser ng Nivea

ADVERTISING

Bongga ang level!!! Yassi Pressman, kauna-unahang Pinoy endorser ng Nivea

Bongga ang level!!! Yassi Pressman, kauna-unahang Pinoy endorser ng Nivea
Yassi Pressman

MAY BAGONG achievement ang Viva artist na si Yassi Pressman bukod sa pagiging part niya ng top-rating primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

ADVERTISING

Well, siya lang naman ang first ever Filipino endorser ng Nivea Deo, huh!  Ayon kay Yassi, very proud siya na maging Pinoy ambassador ng naturang brand.

Happy din siya at masuwerte na magaganda at talagang tested na sa market ang brands na kanyang ini-endorse.

“Well, thanks po siyempre sa Viva family ko kasi sila naman yung dahilan ng lahat ng ito,” masaya niyang pahayag.

ADVERTISING

Samantala, aminado si Yassi na wala siyang lovelife ngayon. As far as we can remember, ang huling boyfriend niya ay si Sef Cadayona at mga two years ago na yon.

“Wala po kasing time,” rason pa ng dalaga.

“Minsan ko na nga lang din po nakikita ‘yung bahay ko, eh, saka ‘yung family,” dagdag pa niya.

Kunsabagay, sobrang busy talaga ngayon ni Yassi.Monday to Saturday ang taping niya ng Ang Probinsyano at pag Sunday naman, nagsu-shooting siya ng pelikula with Sam Milby na Ang Pambansang Third Wheel under Viva Films.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING