Bong Revilla, namigay ng wheelchairs by Eddie Littlefield

ADVERTISING

Bong Revilla, namigay ng wheelchairs by Eddie LittlefieldNAG-CELEBRATE  SI GIANNA Revilla ng kanyang 14th birthday sa Aniban Central Elementary School, Bacoor Cavite last Sunday, August 15. Kasabay nito ang distribution of wheelchairs and crutches para sa may mga kapansanan. Present nang hapon ‘yun sina Sen. Bong Revilla, Lani Mercado at Jolo Revilla kasama ang anak niyang si Gab. Itong“Tulong Gulong Project” ay proyekto nina Sen. Bong Revilla, Mayor Strike Bautista and Ate Lani para sa mga bata’t matanda hindi makalakad.

Almost one hundred wheelchairs and crutches ang ipinamahagi ng Revilla family sa mga kababayan nila sa Bacoor, Cavite. Nangako ang senador na may second batch pa para sa hindi nabiyayaan nang araw na ‘yun. Nangako rin si Bong na taos-puso siyang tutulong sa mga pangangailangan ng mga naninirahan sa Cavite. Nagsalita rin si Ate Lani, “Mamamatay at mabubuhay uli ako, si Bong pa rin ang pipiliin ko!” Palakapakan ang mga tao sa matalinhagang salitang binitawan ni Candy (palayaw ni Lani).

ADVERTISING

Mismo si Gianna ang nag-suggest sa kanyang Papa Bong na ibigay na lang sa mga may kapansanan ang igagastos  sa kanyang kaarawan, na labis namang ikinatuwa ng ama’t ina. Masaya, nakaaaliw ang naging double celebration, kainan, sayawan at may kantahan. Pagkatapos mag-blow ng kanyang birthday cake si Gianna, ipinamahagi na niya ito sa mga tao.

Ramdam mo ang tuwa’t saya sa mukha ng mga may kapansan at pamilya nito sa biyayang kanilang natanggap mula sa mga Revilla.

EXCITED NGAYON ANG ASAP Sessionistas para sa kanilang first biggest gig in the Big Dome on August 28, Araneta Coliseum, as they ignite through songs and performance encompassing different music genres.

ADVERTISING

Soul Siren Nina, Acoustic Wonder MYMP, RNB Master Duncan Ramos, Big Crooner Richard Poon, Bossa Nova Diva Sitti Navarro and Asian Acoustic Aiza Seguerra are all set for the group’s first grand concert.

Ayon sa ASAP Live and MJM productions, the forthcoming concert will be the biggest jamming affair of the year. The opportunity of witnessing these fine singers stepping on stage and getting the chance of seeing them perform live with such grace and passion are enough reasons to say that it will definitely be one heck of a show.

Ang nasabing concert is to bring together an all-star lineup of the hottest and most in-demand performers in various bars and restaurant on one jamming segment.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING