Bong Revilla Jr. at Lani Mercado, positive ang dalang balita mula Holy Land

ADVERTISING

Bong Revilla Jr. at Lani Mercado, positive ang dalang balita mula Holy Land

Lani-Mercado- Bong-RevillaPOSITIVE NA positive naman ang balitang dala nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado sa pagbalik nila ng bansa galing ng Holy Land. Mukha namang sincere ang pagbabati nila nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Si Hayden na mismo ang nag-post sa Instagram account niya na okay na sila ni Sen. Bong, at ‘yun daw ang pinaka-amazing na pangyayari sa biyahe nilang ‘yun.

Hindi ko pa naman nakausap si Bong, pero I’m sure masaya siya sa biyaheng ‘yun.

Sabi nga ni Andeng Ynares na kapatid niya, natutuwa raw siya sa kuya niya dahil nu’ng nagkausap sila sa telepono, masayang-masaya raw si Bong.

ADVERTISING

Malaki talaga ang naitulong nitong Holy Land trip nila kaya handang-handa na si Bong sa kung ano man ang mangyayari sa pinagdadaanan niya ngayon.

Hay, naku! Bahala na talaga si Lord!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING