Bong Revilla Jr at Jinggoy Estrada, mga kawawang solon ng higanteng telona

ADVERTISING

Bong Revilla Jr at Jinggoy Estrada, mga kawawang solon ng higanteng telona

Bong-Revilla-Jinggoy-EstradaWITH THE permission of Sentimental Songtress and former Jukebox Queen Imelda Papin, ang kanyang pinasikat na awiting Isang Linggong Pag-ibig ay lalapatan namin ng ibang titik. But this time, it doesn’t speak about a week-long romance.

To those who can carry a tune, halina’t sabay-sabay nating kantahin ang:

Lunes nang sumalang si Bong Revilla

Pinagtatawanan hanggang sa social media,

ADVERTISING

Miyerkules, ‘di nagpakabog si Jinggoy Estrada

Na wala rin namang wawa mga tiradang winika,

O, kaysakit ng kanilang sitwasyon

Sandiganbayan ang siyang may desisyon

Na sila’y ikulong

Dahil sa pandarambong

Mga kawawang solon

Ng higanteng telon.

 

ANOTHER INTERNATIONAL feather, so to speak, is added to GMA’s cap makaraang makahamig ito ng limang Certificate for Creative Excellence sa 2014 US Film and Video Festival including its news channel para sa mga programa nito as opposed to ABS-CBN’s single citation.

Apat sa mga ito ay nasa ilalim ng News and Public Affairs ng Kapuso network namely Reel Time, Brigada, Wagas at SONA. Ang nag-iisang programa under the Entertainment TV (ETV) Group ay ang Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo.

Pero wala nang saysay ang parangal na ito dahil ang Picture! Picture! is literally out of the picture! Ang Father’s Day episode kasi nito kahapon was its last.

Pero okey lang, the first and only photo-aided general knowledge game show in the country hosted by Ryan Agoncillo had a good run.

If some good things never last, so do good shows.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING