Bong Revilla: “BUTI NGA SA ‘YO, HAYDEN!” – Morly Alinio

Bong Revilla: “BUTI NGA SA ‘YO, HAYDEN!” - Morly Alinio

Nagbaba na nang desisyon ang PRC kaugnay sa kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Dr. Hayden Kho kaugnay ng Admin. case no. 2260 for Immorality, dishonorable and unethical conduct na kung saan ay sinasabing tinatanggalan ito ng lisensiya bilang doktor.

Ayon kay Atty. Raymond Palad, sa unang naging desisyon ng PRC ay masasabing lamang sila laban sa kampo ni Hayden dahil sa umpisa pa lang ay nakita na ng hustisya ang dapat nilang panigan. “Actually tuwang-tuwa si Katrina kasi hindi biro ang pinagdaraanan niya sa mga panahong ito at tama lang siguro ang naging desisyon ng PRC sa kasong inihain namin.”

Sa kabilang banda, kung masaya ang kampo ni Katrina sa naunang desisyon ng PRC, higit ang katuwaan ni Sen. Bong Revilla. “Buti nga sa kanya, tama lang na tanggalan siya ng lisensiya dahil masyado niyang binaboy si Katrina, at sana maging magandang halimbawa ito sa iba pang kababayan natin na nag-iisip na gumawa ng tulad sa ‘di makataong ginawa ni Hayden Kho.”

Sinabi ni Sen. Bong na hindi pa sila nagkakausap ni Katrina pero ngayon pa lang ay ipinararating na niya sa aktres ang mainit nitong pagbati dahil nakikita na diumano niya ang higit na liwanag sa kasong sex video.

“Tandaan natin, ang babae, minamahal iyan at hindi iyan binabastos at ginagawaan ng malaswang sex video. At sa mga taong tulad ni Hayden na walang respeto, dapat lang na mabigyang leksiyon ‘yan, ‘no!” Tuluy-tuloy pang pahayag ni Senator Bong sa panayam ng Pinoy Parazzi.

ANG UNANG EKSENA na kinunan kina Jake Cuenca at Cristine Reyes sa taping ng Precious Heart ay kissing scene matapos na maintriga noon ang dalawa, kung saan nagpahayag diumano ang aktres na may mabahong hininga ang binata.
Sina Jake at Cristine ay kapwa nagsalita noon sa Pinoy Parazzi na ayaw na nilang ungkatin pa ang isyu dahil ang importante umano, muli silang nagkasama sa isang project ng channel 2.

Kamakailan, sa mga sumunod na taping ng Precious Heart na may episode na “My Cheating Heart”, muntik nang malunod ang aktres habang kinukunan ang eksena nila sa swimming pool.
Ganito ang kuwento. Kalong ni Jake si Cristine habang sila ay nasa swimming pool at kunwari ay bigla niya itong bibitiwan. At nu’ng binitiwan nga ni Jake si Cristine, laking gulat nang lahat nang biglang magsisigaw ang dalaga. Pinulikat pala ang binti ng aktres at hindi nito nakayanang languyin ang 8 feet na taas ng swimmming pool kaya nagsisigaw ito at ang isinigaw ay ang totoong pangalan ni Jake.

Nagkagulo ang lahat nang mapansin nilang hindi nagbibiro ang dalawa at seryoso itong kakampay-kampay kaya nagmamadali ang lahat na tulungan ang dalaga. Hindi gimik ang nasabing insidente at hindi iyon kasama sa eksena kaya matapos masagip ang aktres ay halos mapaiyak ang dalaga sa pagpapasalamat sa mga taong sumaklolo sa kanya.

NAWAWALA SI KRISTA Ranillo dahil bukod sa kanyang manager na si Arnold Vegafria, marami pa rin sa mga kaibigan at kamag-anak ng aktres ang hindi siya makontak. Ayon sa aming source, maging ang lola niyang si Ms Gloria Sevilla ay hindi rin daw makausap nang personal ang dalaga kung kaya’t ganu’n na lang ang pagkabalisa ng beteranang aktres na nagsabing unfair para sa kanyang apo ang mga naglalabasang balita na nag-uugnay rito kay Manny Pacquiao.

Bong Revilla: “BUTI NGA SA ‘YO, HAYDEN!” - Morly AlinioSamantala, ang tunay na dahilan daw kung bakit pinatay lahat ni Krista ang cellphone nito at nagtatago sa isang hotel sa Las Vegas ay dahil hindi nito ma-take na tuluyang mawala sa kanyang buhay si Manny. “Napilitan si Manny na itanggi ang relationship nila ni Krista dahil iyon ang utos sa kanya para huwag nang lumala pa ang isyu,” pahayag iyon ng isang taong dating malapit sa boksingero.

Ayon sa maldita naming source, kung tutuusin ay mas minahal daw ni Manny si Krista kumpara kay Ara Mina noon dahil kung nabiyayaan man daw si Ara, mas “ginastusan” ni Pacman si Krista. “Ayaw talagang mag-entertain ni Krista ng interbyu or ayaw niyang makipagkita sa ngayon sa kahit na kanino dahil ayaw niyang maging sinungaling sa sarili niya, ‘no!” Mataray na sabi ng aming kaibigan na nagsabing malamang daw ay ngayong araw dumating sa bansa si Krsita.

More Luck
by Morly Alinio