Bong Revilla, ayaw nang patulan si Rosanna Roces – Lolit Solis

ADVERTISING

Bong Revilla, ayaw nang patulan si Rosanna Roces - Lolit Solis

Bong Revilla, ayaw nang patulan si Rosanna Roces - Lolit SolisILANG BESES NA bang tinitira nitong Rosanna Roces ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado? Nanatiling tahimik ang mag-asawa dahil mahirap patulan ang mga taong wala namang iniiisip na makabubuti sa kapwa.

ADVERTISING

Mahirap ding kalabanin ang taong sirang-sira na!

Kung saan-saan nagpapa-interview, hindi nai-ere dahil talaga namang libelous ang mga pinagsasabi niya at mahirap patunayan.

Kaya sa Facebook na lang nito siya nagtitiyaga na wala pa ring pumapatol.

ADVERTISING

Kapag nababasa ng iba, pag-usapan sandali pagkatapos wala na. Kilala na ng karamihan itong  Rosannang ito na ang galing mag-build ng kasinungalingan basta makapanira lang ng mga taong gusto niyang siraan.

[ad#post-ad-box]

Palibhasa, wala namang maisisira pa sa kanya, kaya ibang tao na lang ang sisiraan niya. Hindi man lang niya naisip kung paano rin niya napakinabangan sina Bong. Hay, naku!

Walang lumalabas sa mga interview nito kasi naman hindi talaga ipapasa ng MTRCB iyun dahil ang involved dito ang apo niya na lalo lang niyang sinusuong sa kapahamakan.

Isa sa mga dahilan iyan kung bakit hindi na sinasagot nina Bong at Lani si Osang dahil ang apo nga nila ang nadadamay na wala namang kamalay-malay.

Sa huling interview sa mag-asawa, ayaw pa rin nilang sagutin ang mga sinasabi ni Rosanna dahil ang gusto na lang daw sana nila ay peace. Hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang apo at kung tingnan n’yo naman sa mga event ng mga Revilla, ang saya-saya ng bata.

Kuwento nga ng isang reporter namin, nu’ng minsang nakausap nito ang apo nilang si Gab, biniro lang nito kung totoo bang nakainom siya ng beer. Kaagad nag-oo ang bata. Tinanong uli kung sino ang nagpainom sa kanya, sagot nito si Lola Osang.

Gulat na gulat si Lani nang narinig iyun at tinanong nga ang yaya kung totoo iyun na inayunan naman ng yaya na nakasaksi ng lahat.

Sabi naman nina Bong, hindi nila ipinagkakait si Gab, pero sa kalagayan ngayon ni Rosanna, maipagkatiwala mo bang ipahiram sa kanya ang bata?

Ang lakas pa ng loob nitong magsabing siya lahat ang gumagastos. Alam naman ng lahat kung ano ang napala niya kina Bong habang nasa poder nila ang bata. Tahimik na lang ang mag-asawa dahil hindi naman nila ito ipinangangalandakan dahil apo naman nila ito.

Marami pang sasabihing kasinungalingan ang babaeng iyan at kahit ano pang gawin niya, wala nang maniniwala sa kanya.

Naku Tita Swarding, kilala mo si Rosanna. Kilala mo rin si Bong. Siguro nasa tamang huwisyo ka naman kung sino ang dapat mong paniwalaan.

Ayaw ko na ring manumbat pero kilalang-kilala mo naman Tita Swarding kung sino ang madaling lapitan na laging bukas sa lahat na nangangailangan. Alam mo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING