Bobitang aktres, takot magpainterbyu sa Ingleserang actress-TV host

BLIND ITEM: Promo period ‘yon ng isang forthcoming soap, natural, obligado ang lead actress nito na galugarin ang mga show ng network. Isa roon ay isang live show, kung saan the original plan was to make the actress appear at a sit-down interview by a TV host-actress.

Agad ipinaalam sa manager ng aktres ang plano, pero agad itong nag-decline.

It’s the actress who seems to avoid any direct encounter with the TV host. Now we realize na hindi dahil sa kanilang iringan noon ang dahilan ng pagtanggi ng aktres na mainterbyu siya ng TV host.

Inglisera at matalino ang TV host, samantalang woman of form—and not of substance—lang ang aktres.

By Ronnie Carrasco