BLOOMING AT 46: Sylvia Sanchez, idol ng mga nanay sa kagandahan!

ADVERTISING

BLOOMING AT 46: Sylvia Sanchez, idol ng mga nanay sa kagandahan!

BLOOMING AT 46: Sylvia Sanchez, idol ng mga nanay sa kagandahan!
Sylvia Sanchez is the new celebrity endorser of Beautederm Soap

HINDI NA ISYU kung magaling man na aktres si Sylvia Sanchez o’ hindi.       

ADVERTISING
Doon sa mga hindi kumbinsido na isa siya sa maibibiang mo na tunay na artista na pinanday ng panahon, bahala kayong mga hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ko!
 
Oo nga’t natapos na ang pinakamalaking television project ni Ibyang (tawag naming sa aktres) na The Greatest Love, na naging household name ang pangalan ni Nanay Gloria. Until now ay may hangover pa rin ang publiko sa katatapos na afternoon serye last month.
 
Hindi pa man nahimasmasahan sa isyu ng pagkamatay ni Nanay Gloria na siyang ending ng afternoon serye, heto’t sinundan na naman ng isa pa rin breakthrough ang pagiging celebrity endorser ng aktres ng Beautederm Soap, kung saan for the first time in her entire showbiz career and at the age of 46, hindi makapaniwala ang aktres na siya ang pinili ng owner ng naturang beauty soap company na pampakinis at pampaputi para maging modelo nila.

“Model ako ng pampaganda,”natatawang sabi niya sa amin nang makausap namin siya ni Ogie Diaz.

 

Sabi ni Sylvia:” Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayong 46 na ako, eh, meron pa akong ganito. May endorsement pa ako at isang beauty soap pa!”

 

ADVERTISING

Pinagmalaki ni Ibyang ang pagpayat niya. “Lumiit na ako dahil sa pagwo-workout ko araw-araw!”

 

Sa kanyang social media account sa Instagram at Facebook ay regular nagpo-post si Sylvia ng mga photos niya during her mala-crossfit training.
 
Sa mga nakaraang mga araw kung follower ka niya sa kanyang Instagram at FB account ay makikita mo ang mga training niya. Mahirap at napaka-pisikal.
  

Last Tuesday morning ay kasama nito ang panganay na anak na si Arjo Atayde na ’tila nagjo-jogging pa sa parang track oval ng ULTRA.

 

After ng The Greatest Love ay baka sa late June or July ay may malaking sorpresa ang aktres sa mga followers niya lalo pa’t si Arjo ay natapos  na rin  ang role sa Ang Probinsyano. Si Ria Atayde naman ay until this coming week na rin lang ang serye na My Dear Heart, kung saan gumaganap naman ang dalaga as Dra. Gia. Baka may panahon na silang magsama-sama sa isang project.

 

A Maalaala Mo Kaya episode kaya na silang mag-iina ang mga bida? Matagal na itong pangarap ng mga fans nila!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING