Blind Item: Veteran actress, sawsawera na, nanugod pa!

ADVERTISING

Blind Item: Veteran actress, sawsawera na, nanugod pa!MAINGAY NA NAMAN sa cyberworld ang pangalan ng isang veteran actress. Nope, hindi ito dahil nakapag-uwi siya ng isa na namang karangalan sa bansa dahil sa galing niya sa pag-arte. Trending siya ngayon dahil nakikisawsaw siya sa isyu ng may isyu!

Umabot sa punto na umalma ang mga taong talagang concerned sa nasabing isyu at sinabihan siya na hindi naman kailangan ang ginawa niyang pakikisawsaw. Imbes na makatulong ay lalo pa itong nakagulo at umingasaw tuloy ang hindi dapat na maamoy ng madlang pipol.

Maliban sa sawsawera isyu ay nanugod pa raw ito ng TV executive dahil diumano’y na-beast mode ito nang marinig na may posibilidad na tapusin na agad ang seryeng pinagbibidahan niya. Kahit daw kasi promising ang story at cast line up ay hindi ito pumipick-up sa ratings. May pagka-dragging kasi ang ilan sa confrontation scenes ng programa ‘di tulad ng isa pang project ng network na umaariba sa trending topics.

Baka naman stressed lang talaga si veteran actress at may pinagdadaanang bonggang-bongga at ‘di na nga niya na-kontrol ang kanyang emosyon.

BY: Parazzi Boy

ADVERTISING
ADVERTISING