Blind Item: Talented young actress, dismayado sa kinahinatnan ng project

ADVERTISING

Blind Item: Talented young actress, dismayado sa kinahinatnan ng projectHINDI na napigilan ng kampo ng isang talented actress ang pagkadismaya nila sa sinapit ng isang proyekto na ginastusan at pinaglaanan ng panahon.

May hatak naman sa masa ang female lead ng proyekto dahil top rating naman ang mga palabas nito at hindi rin naman ito nagpapatalo kung performance rin lang ang pag-uusapan. Ang kakulangan sa promotion at halatang minadaling pagpapalabas ang itinuturong rason kung bakit hindi naging successful ang project na may out of town pang involved.

ADVERTISING

Sa showbiz talaga ngayon, hindi basehan kung top rater ba sa telebisyon ang bida. Importante na talaga ngayon kung bago ba ang istorya, may hatak ba ang trailer, may gist ba ang pagmamarket nito lalo na sa internet at kung may chemistry ang mga bida.

Hindi porket loveteam kayo sa TV ay sure na kakagatin ang tambalan ninyo sa big screen. Lalo pa ngayon na nasa panahon na tayo na karamihan ng kumikitang pelikula ay mga first-time onscreen tandems.

May mga nagsasabi rin na baka nahawa ang female lead sa not-so-inviting aura ng kanyang leading man na nasangkot isa iba’t ibang isyu online.

ADVERTISING

Nakakalungkot lang dahil talented naman talaga si female lead, pero ito na ang kanyang pangalawang flop project in a year.

ADVERTISING