Blind Item: Reality TV show graduate, buhay reyna sa piling ng pulitiko!

ADVERTISING

Blind Item: Reality TV show graduate, buhay reyna sa piling ng pulitiko!ANG BUHAY nga naman sa showbiz ay walang kasiguraduhan. Ang mga hopefuls na sumasali sa reality TV shows ay nagbabakasakaling makapasok sa mga pakontes para mapansin at mabigyan ng TV or movie offers. Isa sa mga teenagers na naging bet ng mga viewers during their season is this pretty lady na may riches to rags story. Maraming boys ang nagka-crush dito and some thought she will be a big star one day.

There was a time na naging visible ang dalaga sa TV at lumabas din playing support sa mga pelikula. Lulubog-lilitaw na parang Luli Island lang ang peg niya dahil naging madalang ang offers. May tsika noon na rumaraket diumano ng bongga ang dalaga in exchange of money at may nakapagsabing ginagawa lang daw niya ito to help a family member na baon sa utang.

ADVERTISING

 

Ilang years naging usap-usapan sa showbiz ang pagiging butihing family member ng dalaga, na up to the point na ginagawa niya ang lahat para lang mairaos ang pamilya. Last year ay naging visible ulit ito, pero hindi sa TV. May nakapag-tsika sa amin na happily married na raw ang pretty lady na ito sa isang pulitiko sa isang malaking probinsya. Ang nakatuluyan niya ay mas matanda sa kanya, pero ayon sa aming source, hindi tinatago ng couple ang kanilang relasyon. Aktibo pa nga raw ang sexy aktres sa mga social events at napapalapit na ito sa masa.

If that’s the case, then we’re happy for the pretty lady na naging iconic ang mga covers niya sa iba’t ibang men’s magazines almost ten years ago. Ano kaya ang masasabi ng mga kapwa niya graduate sa reality show?

ADVERTISING
ADVERTISING