Blind Item: Pretty actress, primadonna sa pictorial!

ADVERTISING

Blind Item: Pretty actress, primadonna sa pictorial!ANG PAGIGING SAWI sa pag-ibig minsan ang dahilan kung bakit wala sa mood ang mga hitad. ‘Yan kaya ang situation ng isang pretty actress na diumano’y nagpaka-primadonna sa set?

May out of town pictorial si pretty actress recently lang at marami ang nabigla dahil ang daming demands nito. Nasa malamig na lugar ang location, pero nag-request ang bebot ng bentilador dahil init na init daw siya. Kahit weird ang request, pinagbigyan pa rin siya ng staff.

ADVERTISING

Mukha mang glamorosa sa final outputs, medyo matrabaho ang mga pictorials lalo na kapag para sa isang magazine. Ang usapan ay six layouts ang gagawin, pero sa ika-limang layout ay nagreklamo na agad ang aktres saying na pagoda wave lotion na siya. Ayaw na niya at tuluyan na ngang nag-walk out.

Dahil sa primadonna kyemerloo ni ate gurl, ‘di napigilan ng isang staff member na mag-sey ng words na hindi nila usually binabanggit sa mga nakakatrabahong artista.

Ganyan nga ‘yata talaga kapag brokenhearted. Feeling mo buong mundo ay galit sa’yo kahit hindi ka naman inaano. Inaano ka ba kasi, teh? Anobeh!? 

ADVERTISING
ADVERTISING