Blind Item: Pelikula dapat nina talented actor at actress, tinapon?

ADVERTISING

Blind Item: Pelikula dapat nina talented actor at actress, tinapon?SOME YEARS AGO, lumabas ang tsika na magkakaroon ng pelikula ang dalawang artista na galing sa iisang network. Hindi sila magka-loveteam, pero nagkaroon ng interes ang bagong network sa kanila dahil pareho naman silang talented and physically ay bagay sila.

May mga fans na nagtatanong kung ano na ang nangyari sa pelikulang dapat na pagbibidahan nila? Nagkaroon na kasi ng press release at target date of showing pa nga, kaya mega wonder ang mga abangers dahil bigla na lang ay wala nang narinig about the supposed movie ng dalawa.

Ayon sa aming source, natapos na raw ang shooting ng movie. Ang kaso, wala na raw talagang plano ang movie outfit na ipalabas ang movie dahil chaka daw ang kinalabasan at hindi pumasa sa panlasa ng mga executives.

Hindi mai-pinpoint kung story ba, direction o simply walang chemistry ang mga bida.

Nakakalungkot naman kung talagang shelved na ito. Buti na lang at may ibang raket ang talented actor at actress kaya hindi na masyadong napansin ng not-so-abangers ang paglaho ng kanilang well-publicized launching movie sana as a loveteam.

ADVERTISING

 

ADVERTISING