Blind Item: Hunk actor, pinagselosan ang ka-loveteam ng girlfriend?

ADVERTISING

Blind Item: Hunk actor, pinagselosan ang ka-loveteam ng girlfriend?TOTOO KAYA ang tsikang mainit ang dugo ng isang actor, who was once one of the prized leading men ng kanyang home network, sa isang mas bagets na actor? Nowhere to be seen sa TV, pelikula o kahit showbiz ito dahil busy sa kanyang personal life with pretty celebrity girlfriend, na naka-pause din ang showbiz karir ngayon.

Kilala ang nasabing aktor sa pagiging reckless. Marami na itong isyung kinasangkutan in the past. Na-link na ito sa iba’t ibang babae at may mga nakaaway din na mga kelot dahil sa selos or simply misunderstanding. Kahit nga sa executives ng pinagta-trabahuan niya ay nagkaroon din siya ng isyu. Kalerks!

Late last year ay nagkabalikan sila ni actress after years of being apart. Paangat na sana ang karir ng female showbiz personality na ito dahil nag-excel ito sa kanyang ginagampanang role at by accident ay nakahanap ito ng onscreen partner sa katauhan ng mas batang actor. Unexpectedly, nagkaroon ang fanbase ang bagong loveteam at sinubaybayan sila ng mga fans.

Nagkataon na biglang kailangang huminto ng aktres sa kanyang projects kaya naantala ang sana’y pagbongga ng karir nito. Pati si hunk aktor ay hindi na rin visible pero ibang isyu na naman ang rason nun.

May mga tsika na diumano’y ayaw ni hunk aktor sa batang aktor dahil nagseselos ito. Karamihan kasi ng fans ng female celebrity ay bongga ang pag-clamor sa naunsyaming promising loveteam sana nila. Hmmm.. baka naman nagse-self pity lang ang hunk actor dahil mas umaariba ang karir ng mas batang aktor at marami ang tumaas ng kilay nang magbalikan sila ng female celebrity. Anuman ang totoo, sana’y ma-shake off ng hunk actor ang kanyang nararamdaman *knock on wood*

ADVERTISING
ADVERTISING