Blind Item: Hiram na jacket, ipinamigay ng TV host – Morly Alinio

ADVERTISING

IPINAMIGAY NG TV host ang jacket ng isang aktor na ipinahiram lang sa kanya. Nagtungo ang dalawa sa isang relocation center. May dalang jacket si TV host pero nainitan ito kaya hinubad at ibinigay sa isang segment producer na ipinasok naman sa  coaster. Gininaw uli si TV host kaya pinakuha ang jacket. Ang sabi ng SP, si TV host na lang ang kumukha sa loob ng coaster dahil busy siya. At sa nakitang reaction ni actor-TV host kay TV host reporter ay  agad nitong hinubad ang jacket sa pag-aakalang isusuot ito. Isinuot sandali ni TV host ang nasabing jacket ni actor pero ang nakakaloka, sa halip na isauli ay ipinamigay nito sa isang matanda ang nasabing jacket. Mabuti na lang at mabait at maunawain si actor dahil nang makita niyang giniginaw ‘yung matandang pinagbigayn ng jacket ay sumang-ayon na lang ito sa ginawa ni TV host na mas una pang nagdesisyon na ipamigay ang jacket ni actor.

by Morly Alinio

ADVERTISING

ADVERTISING