Blind Item: Famous demure actress, also has sex scandal with Hayden Kho?

Blind Item: Famous demure actress, also has sex scandal with Hayden Kho?

OLA CHIKA! MAINIT talaga ngayon ang isying sex scandal nina Katrina Halili at Dr. hayden Kho, na kalat na kalat na ngayon sa lahat ng bangketa at pati sa internet at cellphone.

Dahil na rin sa tindi ng teknolohiya, hayun, ilang segundo lang, mapapanood na ng lahat. Hmm… nakakaloka talaga!

Ngayon, nagkadugtung-dugtong ang isyung kinasasangkutan ng dalawa, dahil pati rin pala diumano sa Belo Clinic, may hidden camera! Hay, naku! Nakakaloka!

Kung naaalala ng lahat ang isyung James Yap at Hope kung saan nagkaroon din ng maraming bersiyon, ngayon nga raw, may video rin daw ang dalawang ito na nagkakangkangan, doon daw mismo sa loob ng Belo Clinic, huh! Parang nawindang ako, huh!

Pero sino ba naman ang may-ari ng Belo? ‘Di ba si Vicki Belo? At sino ba si Hayden Kho? ‘Di ba boyfriend siya ni Dra. Belo? Kaya ayun, dugtong-dugtong na. Nakakaloka, ha?!

Kaya ‘yun din pala raw ang isyung nag-away ang mag-bestfriend na sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, na sinabihan pa ni Ai-Ai si Kris na isauli na si James sa nanay nito, nang dahil din daw sa video na ganu’n, at hindi matanggap ni Ai-Ai na ginaganu’n ni James ang kanyang kaibigan.

Hmm… hay, buhay nga naman!

SPEAKING OF DR. Hayden Kho, mahulaan n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Given na ang lalaki dahil talagang ‘Hayden Kho’ ito. Pero ang aking pahuhulaan sa inyo ay naku, I’m sure, mawiwindang kayo!

Galing ito sa pinagkakatiwalaang source, at hindi basta-basta, huh! Dahil isa itong kilalang source mula sa isang bigating istasyon, huh! Pero siya, hindi niya kayang ibulgar ang aking pahuhulaan sa inyo.

Alam n’yo kung bakit? Dahil itong si kilalang aktres, akala n’yo ay mala-anghel, lalo na ‘pag kumilos, kumanta at sumayaw. Siguro, nasa kanya na’ang lahat – pera, kasikatan, at kilalang-kilala talaga siya – maging kapangyarihan, meron din siya. Kaya super kilalang-kilala ang aktres na ito. Pati pamilya nito ay kilalang-kilala. Naku, ha?! Nawindang na ako.

Pero walang takot kong ibabahagi ito sa inyo, ha? Kahit maganda pa siya. Hahaha! Iniidolo rin siya ng mga kabataan. Bonggacious ang babaeng ito, ha?!

Ngunit kung iyon ang akala ng lahat, nagkakamali tayo. Dahil mala-putik din pala ito. Ang chika nga sa akin ng aking source, sa tindi ng sampal ng nanay nito dahil sa nakarating na may ‘sex video’rin pala ang aktres at si Hayden, halos mahimatay ito. Nakakaloka, ha?! Kahit sino’ng nanay, ‘di ba?

Ngunit sa tindi ng sampal, at lakas, ayun kaagad na isinugod sa ospital ang nanay nito. Naku, ha? Ngayon, hinahanap na ang ‘video’ para ‘di kumalat, dahil talagang malaking kahihiyan ang aabutin ng pamilya nito, huh! Makati pa sa gabi ang actress na ito. Hay!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding