Blind Item: Boy next door, walang pambayad ng graphic designer?

ADVERTISING

Blind Item: Boy next door, walang pambayad ng graphic designer?KINUKUYOG ngayon ng mga netizens ang boy next door cutie na unti-unting sumisikat sa larangan ng pag-arte sa big screen.

Nakakaloka lang dahil samu’t sari nang online publications ang todo banat sa nasabing aktor.

To give the young actor the benefit of the doubt, mukhang naglalambing lang naman ito sa mga followers niya when he asked for a graphic art for free. Ang kapalit diumano ay isang promotion sa kanyang social media account na hindi namin maalala kung may isang milyon na ba o ano.

Maraming graphic designers ang tila nainsulto sa ‘innocent tweet’ ng aktor. Bakit ba raw ‘shout out’ lang ang gusto nitong kapalit kung may pera naman ito na pambayad? May pelikula pa raw ito na baka ipalabas na next month at kasama rin siya sa binubuong teleserye ng kanyang home network.

Magsilbi rin sana itong warning sa mga creatives natin na hindi naman puwede na puro lang shoutout ang kapalit dahil when you make art, time is allotted. Naku, maraming allergic sa pa-freebie, bes!

ADVERTISING
ADVERTISING