Blind Item: Biyenang hilaw, galit pa rin sa ex-bf ng sexy actress

KAHULA-HULANG PAHULAAN. Problemado ang anak na babae ng isang sexy actress kung paano ito makababayad sa ospital kung saan siya nanganak. Walang release order ang ospital hangga’t hindi fully-paid ang pasyente.

Pero wala nang iba pang paraan ang babae who bore her second child by another man, kundi ang kalampagin ang dati niyang dyowa who got her pregnant the first time. Entonces, nang sumaklolo ang babae sa kanyang ex-dyowa, agad nitong inutusan ang kanyang driver upang personal na dalhin ang perang pambayad sa ospital.

Sa kabila ng lahat, para sa kanyang biyenang hilaw, masama pa rin ang tingin nito sa lalaki na kulang na lang ay sumali sa All Star K! upang manalo ng kabuhayan package para lang ibigay sa ina ng kanyang ex-girlfriend.

Babu na ang Da Who!

by Ronnie Carrasco III

Previous articleBlind Item: Boobs ng sexy actress, naimpeksiyon! By Ogie Diaz
Next articleJohn Prats, nataranta sa panlalait by Archie de Calma

No posts to display